PORSCHE

1.2K 52 29
                                    

AGA MUHLACH


He thought he would be numb with her remarks by now but as she said those words, his heart feels like it was pierced with a thousand venom-coated arrows.

But despite that, he still manage to smile.

"Paano kung sabihin ko sa'yong hindi ako aalis dito hangga't di mo ako sinasamahang maglunch."

"E di manigas ka. Tapos na akong kumain kaya bahala ka diyan kung magkaulcer ka." Asik niya.

Napabuntong hininga siya sa tinuran ng asawa. Kahit kailan talaga hindi siya uubra sa kanya.

'Aish!! Suko na talaga ako sa babaeng to. Maaaring tama nga sila. Hindi siya marunong magmahal.'

He tried to divert the conversation.

"Coach Bernie will be having a practice game with the neighboring school's basketball team. Hindi na kita masasabayan sa pag-uwi." He informed her.

Hinatid niya kasi si Lea kaninang umaga kaya wala itong dalang sasakyan. Palagi niyang sinusundo ang asawa dahil sa palagi naman siyang nasa school tuwing uwian dahil na rin sa pagiging assistant coach niya.

"I can manage. Hindi naman kita personal driver."

"Ang sungit mo yata ngayon a. Inaway ka ba ni Dominique?"

Pagkasabi niya sa pangalang yun ay biglang naalarma ang itsura ng dalaga. But only for a fleeting moment.

Agad din kasing nagbalik ang stoic expression nito.

"Wag mong mabanggit banggit ang pangalan ng babaeng yan dito." Sabi ng asawa niya. "Ayoko siyang pag-usapan."

Ayun, nakahanap na siya ng magandang pag-usapan. At saka may nabanggit nga pala si Dominique kanina pero hindi na lang niya pinansin.

Naiinis din kasi siya pagmumukha nito.

"Before I came here, may sinabi siya na dapat ko daw malaman..tungkol daw sa'yo. I don't know kung ano ang kahulugan ng sinabi niya. At kung maaari sana ay ikaw na mismo ang magsabi sa akin. Para naman hindi ako magugulat kapag bigla na lang niyang pasabugin sa mukha ko ang sekretong mong sinasabi niya."

"Don't sweat yourself with the things which aren't your concern." Sagot naman ni Lea.

"Ang hirap mong kausapin. Bahala ka na nga." Tumalikod na siya at palabas na ng opisina ng asawa nang bigla niyang marinig ang boses nito.

"I lied when I said already ate. Hindi pa ako nananghalian. Nagpabili na ako kanina kay Dawn ng lunch. Nagpabili na rin ako para sa'yo."

Unti-unti siyang napalingon. Hindi niya sigurado kung siya ba ay kinakausap ni Lea o ano.

Nagtama ang kanilang paningin at hindi na niya mapigilang ngumiti ng todo. Bumalik ulit siya sa kinauupuan kanina at bumulong, "Sabi ko na nga ba, mahal mo ako e."


"May sinasabi ka?" -si Lea.


"Ang sabi ko mahal kita."


>>>

LEA SALONGA-MUHLACH


"Ang sabi ko mahal kita.."


😐


My goodness.. ano daw?



Biro ba yun? Sumasakit na ang dibdib niya dahil sa hindi normal na bilis ng tibok ng puso niya.


Para maikubli ang kanyang nararamdaman ay dinuro niya ito ng ballpen. "Ikaw, tigil tigilan mo ako sa mga pagpapacute at pagsasabi sa akin ng ganyan. Hindi ako naniniwala at lalong hindi ako natutuwa."


"Bakit ba parang masyado kang affected?"


She went back to writing on her pad totally ignoring his question.


Pero sadyang makulit yata talaga ang lahi niya dahil hindi pa rin siya tinitigilan sa katatanong at kasasabi ng kung ano anong bahay na ikinaiinis niya.



"On second thought, hindi ka na sasabay maglunch with us. Nakakarindi ka na. Nakakasawa na at hindi ko alam kung hanggang saan ang pasensya ko." Bulyaw niya.



Natigilan naman ito sa reaction niya.


Napalunok siya at gusto niyang bawiin ang outburst niyang yun.



Nagdilim ang anyo ng asawa, parang halo halong emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa kanya at sa isang iglap ay nakahawak na ang isang kamay nito sa batok niya ay sinakop ang kanyang nakaawang na labi.



Mapagparusa ang halik na yun.


Parang mapupugto ang paghinga niya dahil sa pag-atake nito.



Abot abot ang nang sa wakas ay pakawalan siya nito. She breathed in and out rapidly dahil parang mauubusan na siya ng hangin.



"Warning lang, Babes, hindi ko kontrolado ang emosyon ko. Baka higit pa dito ang magawa ko sa'yo." Kalmadong sabi niya at saka lumabas ng silid.



Naiwan naman siyang nakatulala at sapo ang naninikip niyang dibdib.


Kanina pa nakaalis si Aga pero hirap na hirap na siyang huminga. Magtatawag na sana siya ng tulong ng saktong bumukas naman ang pinto ng kanyang opisina.



Si Dawn ang dumating. May hawak hawak na dalawang plastic bag. Hula niya pagkain ang laman.


Pero nabitawan nito ang hawak nang makita siya.



"LEA!" Bulalas niya at dali dali siyang dinaluhan.



Her vision is becoming blurry and Dawn's alarmed voice seems so very distant.

A few more seconds then everything went black..

✩✩✩



Possibilities [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin