GEELY

1.3K 51 6
                                    


AGA MUHLACH


Pagkababa niya kay Lea sa buhangin ay nagmamadali itong lumayo sa kanila. Parang may tinatakbuhan sa bilis at laki ng mga hakbang nito.


"Uy, Lea! Anong drama yan? Confession tapos hindi paninindigan?" Sigaw ni Vice. Pero walang narinig ang asawa niya dahil tuloy tuloy lang ito patungo sa direksyon ng resort.


Nagkumpulan ang boung barkada sa tabi niya at iisa silang nakatanaw sa papalayong pigura ni Lea.


"Dawn, ganun ba talaga yang bestfriend mo?" Tanong ni John. "Aba, masyado na siyang pa-hard to get a."


  "Habulin mo." Sabi ni Kris sa kanya.  


"Guys, wag niyong tuksuhin ha, baka bawiin pa niya yung sinabi niya." Hiling niya sa mga kaibigan. "Susundan ko siya pero please lang, act normal."


"Gago! Normal naman kaming lahat dito a. Yung asawa mo lang naman ang acting abnormal." Sabi pa ni John.


"Ano bang problema mo sa asawa ko, pare? at parang ang laki ng galit mo sa kanya. May nakaraan ba kayo?" Biro niya.


"Ha? Ni sa panaginip hindi ko pinangarap yan. Pwede bang sundan mo na lang at kung ano ano pang mga nasasabi mo." -si John.

"Ay, crush niya." -si Vice.


"No way!" Madiing tanggi ni John.


...


Pagpasok niya sa kanilang kwarto, nakalabas na ang isa sa travelling bag na dala nila. And Lea is busy packing her belongings.

"Bukas ng hapon pa ang alis natin a." Untag niya at marahang isinara ang pinto.


"Uuwi na ako." ang maikling sagot nito.


"Bakit?" Maang na tanong niya pero patuloy pa rin ito sa ginagawa at hindi sumagot sa tanong niya. "May emergency ba?"


Naupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan siya. She's still wearing her wet clothes.


"Did you really meant what you said earlier? Kasi ako, seryoso sa sinabi ko. Mahal talaga kita, Maria Lea. Noon hanggang ngayon." madamdaming sabi niya.


This completely stops her.

She faced him wearily. "Aga, let's stop this. I don't want to play your game anymore. Pagod na ako."


"Kasasabi mo lang kanina na mahal mo ako tapos give up ka na? Kumusta naman yun?" nakangising sabi niya. "Bawi agad? Hindi mo papanindigan?"


"Aga.. alam ko na." she said calmly.


"Anong alam mo na?" Kinakabahang tanong niya. Iba na kasi ang tono ng boses niya e. Ito yung Lea na kinatatakutan noon ng mga lower year students at ito yung Lea na assistant guidance counselor.

Possibilities [Completed]Where stories live. Discover now