TOYOTA

1.2K 44 8
                                    

For:  queenxlea and LeAgababes

✩✩✩

LEA

"Ano itong nabalitaan namin na ikinasal ka na raw?", tanong ng kanyang ama, kadarating lang niya sa kanilang bahay ng tumawag ang kanyang ama.

"Dad, saka na natin pag-usapan yan kapag nakauwi na kayo.", malumanay niyang sabi.

Mahirap kasi magpaliwanag kapag sa telepono. Maraming mga kasunod na tanong at hindi na matatapos ang diskusyon kapag nagkataon.

"Pasalamat kang bata ka at andito kami ng mommy mo kung hindi baka kung ano na nagawa ko sa'yo. Ano bang naisipan po at bigla bigla ka na lang nagpakasal, ni wala ka ngang ipinapakilalang nobyo tapos asawa na agad, paano na 'yong kasunduan namin ng kumpare ko na ipakasal ka sa kanyang anak. Naku, sayang 'yon dahil botong boto sila sa'yo.", mahabang litanya ng ama.

"Wag kang mag-alala dad, dahil magugustuhan mo rin ang manugang mo."

Mula kasi noon ay talagang gusto na ng kanyang mga magulang na isang Muhlach ang mapangasawa niya.

"At sino ba kasi 'yang napangasawa mo? Galing ba siya sa matinong pamilya? Mapagkakatiwalaan ba?"

Huminga muna siya ng malalim bago ipagtapat sa mga ito.

"Isa siyang Muhlach."

"ANO?" Gulat na gulat na tanong ng kanyang ama. "Sino sa mga apo ni Donya Annabelle? Bakit wala man lang sinasabi ang pamilya Muhlach?"

"Si Aga po. Yung kaklase ko nung High School."

"Si Aga? E si Edward sana ang ipagkakasundo sa'yo. Alam ni Aga 'yon, ngunit nakapagtataka sa batang 'yon dahil hindi man lang siya nagsasalita ng mapag-usapan ang kasalan sana ninyo ni Edward. Tahimik lang siya sa tabi, 'yon pala kayong dalawa ang magkasintahan. Hindi naman namin siya tutulan kung sakaling magtapat siya tungkol sa inyo, at isa ka rin kasi, masyado kang malihim."

Parang gustong niyang panawan ng ulirat dahil sa narinig. Patuloy pa rin sa panenermon ang kanyang ama ngunit di na pinansin.

Kaya pala atat na atat ang hambog na Aga na 'yon dahil alam na nitong naipagkasundo na siya sa pinsan nito.

Ilang beses lang niyang nakita si Edward sa mga formal gatherings ng pamilya Muhlach at napansin niyang mabait itong tao, mukhang responsable at maginoo, di tulad ni Aga na ibang iba ang asal at pag-iisip.


Alas nwebe na nang gabi pero hindi pa rin siya mapakali. Gusto niyang makausap si Aga para linawin ang set-up nila at kung ano ang mga dahilan nito.

"Good evening Mrs. Muhlach", masiglang bati ng nasa kabilang linya.

"Mag-usap tayo. Pumunta ka dito, ngayon na. May mga gusto akong linawin."

"Okay Mrs. Muhlach. I'll be there in an hour."

'Tingnan ko lang kung magawa mo pang maging masigla pagkatapos ng komprontasyon natin.'

>>>

AGA

Bagama't kinakabahan siya sa kung ano ang pag-uusapan nila ni Lea, dali dali pa rin siyang nagbyahe patungo sa bahay ng 'asawa'.

Pagpasok niya sa malawak na bakuran ng mga Salonga, nakita niyang nakatayo sa may veranda ang asawa at matamang nakatunghay sa kanya. Kumaway siya ngunit tumalikod na ito. Napailing na lang siya saka pumasok sa mansyon ng mga Salonga.

Possibilities [Completed]Where stories live. Discover now