MAZDA

1K 45 3
                                    

AGA MUHLACH
School Gym

Kasalukuyang nagpapractice ang basketball team nang dumating siya.

Ang coach nito ay ang coach rin niya noong high school. Si coach Bernie. 53 years old na ito ngayon ngunit napakalakas pa rin ng pangangatawan. Matangkad na ito sa taas nitong 5'7" samantalang siya naman ay eksaktong 6'.

(A/N: ang tangkad ni Aga.)

"AGA?", maang na tanong nito pagkakita sa kanya.

Lumapit siya rito at nakipagkamay.
"Kumusta po, coach?"

"Aba'y ito, tumatanda na." Pabirong sagot nito.

Umupo sila sa bench at tinunghayan ang mga estudyanteng naglalaro.


"Kailan ka dumating?"

"Noong isang araw po. I'll settle here for good." pagbabalita niya.

"Mabuti naman at naisipan mong dumalaw dito."

"Mapapadalas na po ang dalaw ko dito once natanggap ako nilang assistant coach niyo." Sabi niya.

"Aba tamang tama, nagbabalak na nga akong magresign pero diniscourage ako ni Ma'am Lea kasi daw tiwala daw siya sa akin at subok na ang istilo ko sa pagsasanay ng mga aspiring basketball players. Pero kung andito ka e di mas magaan ang trabaho ko." Masiglang sabi nito.

Naging MVP kasi siya during his senior year. Inspired kasi siya noon lalo pa at katatapos lang nun ng Prom nila.

"Naku, wag po kayong magresign. Tama si Lea. And besides ayoko pong maging full time coach kasi mah business din po ako dito. Hopefully in three weeks ay magsisimula na ang operations. Pero hiniling kasi ng pamangkin ko na mag-apply akong assistant coach para naman daw maituro ko din sa kanilang lahat ang mga istilo ko."

"Maganda yan, iho. Lalo pa ngayon at mukhang ang paglalaro ng basketball ang gustong tahakin ni Diam."

"Oo nga po e. Kaya nandito po ako."

"Nagpasa ka na ba ng mga requirements mo?"

"Hindi pa po."

"Ang mabuti pa, kakausapin ko si principal at irerecommend kita." Nakangiting sabi ng kanyang dating coach. "Kilala mo naman yun, kaklase mo dati at kahit apo ka pa ni Donya Annabelle, hinding hindi ka niya basta basta ihahire."

"Actually nasabi ko na po sa kanya verbally ang intensyon ko pero wala pa po siyang sagot. I think makakatulong po kung itutuloy niyo po ang recommendation.", magalang din niyang sagot.

"Huwag kang mag alala iho. Gagawin ko talaga yan. You will be an asset to the team just as you have always been." Nakangiting sabi ni Coach Bernie.

....

Eksaktong tapos na ang practice game ng basketball nang pumasok si Lea sa gym.

"Si Principal. Tara sa faculty office, siguradong may sasabihin si Ma'am kasi hinding hindi yan pumupunta dito nang walang sadya."

...

PE FACULTY ROOM

"Magandang hapon, coach." Magalang na bati ni Lea.

"Magandang hapon din sa inyo, ma'am. Ano pong atin ngayon.?"

Napatingin si Lea sa kanya saka tiningnan si coach Bernie.

"Muhlach has verbally expressed his intent to be part of the team as your assistant coach. And I can't give my authority to hire until I consult with you. What do you think about this?" Walang paligoy ligoy na tanong ni Lea.

"I will absolutely agree with it. I've known him as a very passionate man with regards to basketball and all it entails. I am planning to go to your office tomorrow to discuss this pero naunahan mo ako."

"If that is the case, then let's do it quick. The team will be having their championship game in three weeks. Mr. Muhlach, please furnish all the requirements and submit it to my office in the earliest possible time. I will discuss this on the school board next week so please comply immediately. That would be all." Mahabang litanya ng principal at dali dali nang umalis.

Nagmamadali? Hinalikan ko lang siya tapos awkward na?

"Ganun ba talaga makipag usap si Lea?" Nakakunot noong tanong niya kay Coach Bern.

"Oo. Wag kang mag alala, hindi naman nakakaoffend and besides, she is the principal. Technically she is the most powerful and has the full authority here. Siya ang boss dito." Sagot nito.


"I see. Sige po coach, salamat po. Babalik po ako dito kapag naayos ko na ang mga papel ko."

Pagkatapos niyang magpaalam sa kanyang dating coach ay sinundan niya si Lea.

✩✩✩

Possibilities [Completed]Where stories live. Discover now