CHRYSLER

1.4K 48 8
                                    

DAWN ZULUETA

Mula noong bumalik sila galing sa bakasyon ay hindi nila napag-usapan ang nangyari sa resort. Tanging si Vice lang ang makulit na nagtatanong kay Lea pero naging matigas ang resolusyon ng kaibigan nila na hindi ipaalam sa kanila.

Pasukan na ulit, tatlong buwan na ang lumipas at hanggang ngayon din ay kakaiba pa rin ang mga kilos ni Lea. Wala na yung dating nambubulyaw kapag binubuksan niya ang pinto na hindi man lang kumakatok. Hindi na rin niya ito nakakasama sa mga Saturday hang-outs nila. Maging si Vice na sobra ding nag-aalala sa kalagayan ni Lea ay nagpasyang dumito muna sa Pilipinas.

Kadalasan napapansin niya na parang wala si Lea sa sarili at madalas ay nakatulala lang. Kung minsan naman ay sobrang abala sa trabaho. Tulad ngayon.

"Lei..Lunch time na." 

Nag-angat ng ulo si Lea pagkarinig sa boses niya at sinipat ang relo. "Sige, mauna ka na. Tatapusin ko lang to."

"Ano ba kasi yang pinagkakabalahan mo? Palagi ka na lang nagpapalipas ng gutom. Makakasama yan sa'yo. At nakakahiya pa kung magkaulcer ka. Ang dami mo nang sakit dadagdagan mo pa."

Napasandal si Lea sa kanyang swivel chair at huminga ng malalim. "Hindi ko na kaya."

"Ang alin?" Curious niyang tanong. "Hindi mo na kaya ang trabaho? Wag mo kasing pagsabayin, o kung gusto mo magresign ka na para ako na ang papalit sa pwesto mo."

"I'm not talking about work."

Ow? So ano?

"Kung hindi ito tungkol sa trabaho, e ano?"

Napabuntong-hininga ang kaibigan saka tumingin ng diretso sa kanya. "I miss him."

"Ayun naman pala. Teka, sino nga pala ang pinag-uusapan natin dito?" Nakangiting sabi niya. 

Lea glared at her, "Alangan namang si Vice."

"Si Aga?"

Silence means yes.

"Why don't you call him?"

"I tried calling the number Chard gave me pero babae ang sumagot."

"O tapos?"

"I hang up."

"Selos ka?"

Again, silence means yes.

"Di mo man lang tinanong. Baka naman yung housekeeper niya. Wag mag-assume agad, nakakamatay yan." Payo niya. Binalikan niya ang mga napag-usapan nila ng katipan noong nakaraang linggo pero wala talaga siyang maalala na may nabanggit si Chard na kasama ni Aga sa LA.

"Puntahan mo na kaya." 

"I don't know his address." Pagdadahilan nito.

"Problema ba yun? E di itanong, alam naman nina Chard yun."

Ano bang nangyayari sa kaibigan ko? Simpleng problema ginagawang sobrang laki.

"Natatakot ako." 

"Saan?"

"Baka kasi hindi niya ako mahal at hindi na niya ako tanggapin."

"Huh? Si Aga? Naku naman Best, ikaw lang inaantay nun.. Ang mabuti, magpabook ka na. Or better yet, ako na ang bahala. Umuwi ka na at pag-empake."

"Paano ang trabaho ko?"

"Diyos ko, kahit pa siguro mag leave ka ng isang taon may babalikan ka pa ring trabaho. At saka ano ka ba, pag-aari kaya ng pamilya ng mapapangasawa mo ang paaralang ito."

...

LEA

"Dawn, natatakot ako kapag nalaman ni Aga ang kondisyon ko."


Ito naman talaga ang dahilan niya kung bakit pinakawalan niya si Aga kahit mahal na mahal na niya. Ayaw niya kasing pagsisihan nito kung sakaling ikasal sila.


And she's also afraid of rejection.


"Dahil baka hindi ka niya tanggapin, ganun?" Tanong ni Dawn.


Tumango siya.

"You'll never know until you tell him. Paano pala kung mahal ka pa rin at tanggap kung anuman ang pinagdadaanan mo ngayon. What if, natatakot ka sa isang bagay na hindi naman pala mangyayari? E di habambuhay kang magsisisi?"


Dawn is right.


"Pero sa pamilya nila, siya lang ang hindi makakaranas magkaroon ng sariling anak."


"Duh? E di mag-ampon kayo. At saka, pwede ka namang magkaanak a, may matris ka naman, heller?"


Nyemes na kaibigan to. Delikado nga e.

"Go na kasi. Ang arte mo. Alam mo bang tuwang tuwa si Dominique Alleje noong nalaman niyang hiwalay na kayo ni Aga. At ang haliparot ay nasa States na din, malamang, sinusundan si Aga." Nakabusangot na pagbabalita ni Dawn.


"Anong address niya?"

Biglang nagliwanag ang mukha ni Dawn at nagmamadaling tinawagan si Chard.

Dawn wrote down the address and handed it to her.

"Don't mess up this time, Prez."


I won't.

●●●

Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon