DODGE

1.1K 49 9
                                    

LEA SALONGA-MUHLACH


Parang gusto na niyang maglahong parang bula sa tanong na yun ni Dominique. Nanginginig ang dalawang kamay niya at alam niyang anytime baka bumigay na rin ang tuhod niya.

Wala pa naman siyang lakas ngayon dahil sa pagod at puyat.

Umugong ang bulungan pero nakatuon ang pansin ng mga guests sa kanila ni Dominique.

Nakakahiya lang sa parte niya kasi siya dapat ang umaawat sa anumang gulo sa loob ng paaralang ito, hindi yung siya ang inaaway.


Moment of truth.


This is it, pasasaan din ba at malalaman din ng lahat ang estado niya. Lalo pa ngayon at mukhang andito ang mga lalaking minsan ay nagkainteres sa kanya at mukhang gusto pa rin siyang ligawan.

Ayaw niyang isa isahing sabihin na may asawa na siya sa mga nagbabalak na manligaw sa kanya.

This is the right venue na rin siguro to announce her unexpected marriage to Aga Muhlach.

Napag-usapan na nila dati ni Aga na kung iaannounce nila ang kanilang status, ay siya ang magsasabi, in her own terms.

Huminga muna siya ng malalim bago sinabing, "Yes."


"What?" Nanghihinang tanong ni Dominique. "You can'tbe serious, you witch."


Napasinghap ang mga naroon.


Gusto niya itong sampalin at kaladkarin palabas pero nagtimpi siya.

"Dominique, I think you should leave. It's not healthy for you to stay here." Sabi ng isang kaklase nila dati na hindi na niya matandaan ang pangalan.


Ang bilis ng tibok ng puso niya sa hindi niya mawaring dahilan, at medyo nagdidilim ang kanyang paningin. Nahalata ata ni Aga ang kanyang sitwasyon at hinapit siya sa baywang. Napayakap siya sa asawa at nawalan na siya ng ulirat.

»»»


Nagising siya na nakasandal sa malapad na dibdib ni Aga. "Hey, you're awake. Anong nangyari? Are you hurt somewhere?" Nag-aalalang tanong nito.


Pinilit niyang tumayo pero nahihilo pa rin siya kaya hindi na siya nagpumiglas ng buhatin siya ng asawa at pinaupo sa sofa. Noon lang niya narealize na nasa opisina niya pala sila.


"I think I'm okay. How long I was out?"

"Forty minutes."

"I need to get back. Nagsimula na ba?"


"Yup. And you don't need to worry about it. Andoon naman si Dawn  at ang iba pang organizers. We should go home." Sabi ng asawa.


"No, I should get back. I'm okay now." Madiin niyang tanggi. Pinaghirapan niya ang event na ito kay gusto niyang makita ang kahihinatnan.


Sinira na noon ni Dominique ang chance nilang makilahok sa science fair at hindi niya hahayaang pati ngayon ay maging hadlang na naman ito sa sucess ng kanyang pinaghandaang gathering.



"Hindi ko hahayaang sirain na naman ni Dominique ang event na to." Sabi niya.


Napailing na lang ang asawa sa narinig. "Nikki is gone. Umalis siya noong nag collapse ka. Takot na takot sa kung anong nangyari sayo."


"She should be." Usal niya.


"Ano bang nangyari sayo? Hindi pa naman kita nagagalaw kaya imposibleng buntis ka na." Biro nito.


Tarantado at siraulo talaga ang gagong to!


"Hindi mo na kailangang malaman. It's confidential." Yun na lang ang sinagot niya para tumigil na.


Malungkot ang matipid na ngiti ni Aga pero hindi niya yun pinansin. Walang dapat makaalam ng karamdaman niya kaya hanggat kaya pa niyang itago ay itatago niya.


"Babalik na ako doon." Sabi niya at sinubukang tumayo pero parang jelly ang mga binti niya at kung hindi lang mabilis si Aga sa pagsalo sa kanya ay malamang baka napahandusay na siya sa floor.

"You're so stubborn. Uuwi na tayo sa ayaw at sa gusto mo at kung magpupumilit ka pa ring bumalik doon, mabubuo na dito ang panganay natin."

Nag-init ang kanyang mukha sa narinig. "Bastos ka talaga! Hindi mo pwedeng gawin sa akin yan!" Bulyaw niya.

"Sige, sigaw pa Lea. Akala mo may makakarinig sayo dito? Tsk, nagsasayang ka lang ng oras. Walang iistorbo sa atin dito. Now, the choice is yours, uuwi na tayo o ano?"


"Alright, let's go home.." sabi niya at wala nang inaksayang panahon si Aga. He carried her bridal style and left the room.

»»»

Kinabukasan...

AGA MUHLACH

Sinadya niya talagang abangan si Dawn sa hallway ng paaralan para makausap ito ng masinsinan.

Naihatid na niya si Lea sa Principal's Office at ang alam ng huli ay nakaalis na siya. Sinamantala niya ang pagkakataon na ito para maabangan at makausap ng personal ang matalik nitong kaibigan.


"Dawn!"


Napatingin sa kanya ang mga estudyanteng nasa hallway na naghihintay ng first subject nila para sa umagang ito.

"Bakit sir?" Naismid na tanong ni Dawn nang makalapit sa kinaroroonan niya. "Kung makasigaw ka naman parang may emergency."

"I need to talk to you at kung pwede sana sa parking area na lang para hindi gaanong maraming tao." Mabilis niyang sabi.


Napataas ang dalawang kilay ni Dawn sa narinig. "At ano naman ang pag-uusapan natin, Aga. Uy, fresh na fresh pa ang nangyari kagabi baka mamaya pagkamalan pa tayo."


"Ano bang pinagsasabi mo, may itatanong lang ako tungkol kay Lea."


"E di itanong mo na lang sa kanya."

"Tinanong ko na, confidential daw."

"Yun naman pala. Itatanong mo pa sa akin." Sagot ni Dawn. Umagang umaga ang sungit sungit, parang may dalaw.


"She fainted and I don't know the reason. At ayaw din naman niyang sabihin pero nag-aalala lang talaga ako."


Napailing si Dawn. "Aga naman, kaibigan ko yung tao at nangako akong di ko ipagsasabi kung anuman ang nalalaman ko. Hindi ba pwedeng irespeto na lang natin ang kahilingan niya?"

I let out a breath.

"Okay. I'm sorry sa pagpipilit ko sayong sabihin ang sekreto niya." Hindi na niya hinintay pang sumagot si Dawn dahil tumalikod na siya agad.

'Malalaman ko rin kung ano man yun.'

✩✩✩

Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon