ROLLS ROYCE

1.2K 54 12
                                    

JOHN ESTRADA



Tumawag si Chard sa kanya ng bandang alas singko ng umaga. Kakaidlip lang niya ng bulabugin siya ng malakas na tunog ng kanyang cellphone.

At ang tanging sinabi lang ay magkita sila dahil may gagawin sila ngayong araw.

Di naman niya lubos akalain na ang mag-eespiya pala sila.

Para silang mga tanga na sunod ng sunod sa grupo nina Lea, Dawn at...si Jose Marie Viceral?

Kaklase nila si Vice noon pero nagtransfer ito ng paaralan noong third year na sila.

"Ano bang kalokohan to? Pagod na ako." Reklamo ni Robin na kanina pa inip na inip.

Mukhang may ibang lakad yata ang isang to.

"Bakit ba kasi natin sila sinusundan?" Tanong niya. Kasi maging siya ay hindi niya maintindihan ang gustong mangyari nina Richard at Aga.

"Nag-away kami ni Dawn, may date kami dapat ngayon pero kinansela niya dahil may importante daw siyang gagawin." Ani ni Richard.

"Kaya mo naisipang sundan natin sila? Dinamay mo pa ako." Inis na turan ni Robin.

"Teka nga, kung nagmamadali ka. Umalis ka na. Wag kang mag-alala dahil hindi ako magagalit." Sabi ni Richard.



Sa barkadahan nila, si Richard ang masyadong possessive at seloso. Si Robin ang malihim at maraming kababalaghang ginagawa na halos hindi na nila alam kung may anak na ba ito sa labas, at si Aga naman tinaguriang gangster dahil siya ang pasimuno sa mga away at kalokohan, at siya naman ang sidekick dahil palaging nakasuporta sa mga kalokohan ni Aga.



But that was ages ago. Masasabi namang nagmature na sila pero inaasta nila ngayon daig pa nila ang mga teenager na nag-iistalk sa crush.



"Lapitan kaya natin?" Suhestyon niya.


Ang sakit na kasi sa likod ang panakanakang pagyuko nila.


"Huwag. Baka magalit si Dawn." Tanggi agad ni Chard.

"Mas malala kapag mahuli tayo." Sabi naman niya.

"Mga Tol, Pasok tayo sa loob, ang tagal nila naiinip na ako." Sabi ni Aga.

Kasalukuyan kasing nasa loob ng Starbucks ang tatlo pero at mag-iisang oras na silang nasa loob. Maging siya ay nangangawit na rin sa posisyon nila.

Napagkasunduan nilang by pair ang pagpasok sa loob. Mauuna sina Richard at Robin, titingin ng mauupuan tapos susunod naman silang dalawa ni Aga. 

Nakakatawa nga ang mga outfit nila ngayon. Pareparehong nakashades tapos naka leather jacket pa kahit ang init init ng panahon. Naka cap pa silang tatlo. Kung titingnang maigi, nakakaagaw pansin ang itsura nila. Baka nga pagkamalan pa silang magnanakaw.

Wala namang naging aberya noong pumasok sina Chard at Robin kaya pagkalipas ng ilang minuto ay sumunod naman sila ni Aga.

Nakahanap ng magandang pwesto ang dalawang kaibigan nila. Malapit lang sa kinauupuan ng tatlong taong sinusundan nila.

Medyo malakas ang boses ni Vice kaya kahit hindi sila gaanong lumapit ay maririnig ang usapan ng mga ito.

They were talking about Lea and Aga's relationship and they are all rendered speechless noong pinagdiinan ni Lea na wala talaga siyang gusto kay Aga at kahit kailan daw ay hinding hindi niya magugustuhan ang kaibigan niya.

'Ouch! Ang sakit sakit nun. Ramdam ko din ang sakit na dulot nun kahit hindi yun para sa akin.'

"Tara, uwi na tayo." Yaya ni Aga.

"Ito naman. Nasaktan ka agad. Akala ko ba noon mo pa natanggap na walang gusto sa'yo si Lea, ituloy tuloy mo na lang, nandito na tayo." Sabi ni Robin.

'Anong nangyari kay Pareng Robin? Kanina siya ang atat na atat na umuwi na tapos ngayon biglang nagbago ang isip.'

"Uy, mga pare.. paalis na sila." bulong ni Chard. Tapos sabay sabay silang napayuko nang dumaan ang mga ito sa tabi nila.

...

"Ano bang meron sa mga to at lakad ng lakad?" Siya naman ngayon ang nagrereklamo. "Pwedeng magpahinga muna tayo?"

"Richard Gomez!!!!!!" Malakas na tili ng isang matangkad at mestisang babae sa kanilang gawi.

Nakakagulat naman ang sigaw na yun parang nagpapasaklolo.

Awtomatikong bumaling ang paningin nilang magkakaibigan sa grupo nina Dawn at ayun nga, nakatingin na rin ang mga ito sa kanila.

'Patay!'

"Oh my God, Chard! I can't believe it's you." Tuwang tuwa pang sabi ng babae at yumakap ng mahigpit kay Richard.


At sa hindi nila inaasahang mangyayari ay humalik pa ito sa kaibigan nila. 

Smack lang sa lips, pero 'tang na' halik pa rin yun at higit sa lahat nakita ni Dawn.


"Ang tagal nating hindi nagkita. Kumusta ka na?" tanong ng babae na kakapit pa kay Richard.


"Stacey!" Gulat na sabi ni Richard at bahagyang inilayo ang sarili mula sa babaeng tinawag niyang Stacey.

Nakita niyang papalapit na sa kanila ang grupo ni Dawn.



'Ayan na!'

"Eherm!" Kunwaring pag-ubo ni Dawn para maagaw ang atensyon nila.

Nasa sidewalk pa naman sila, nakakahiya sa mga tao kung may mag-eeskandalo. Ayaw niyang matabloid ang pangalan niya dahil makakasama yun sa imahe ng tatay niya na may balak tumakbong mayor sa susunod na election.

Educated namang tao si Dawn at guro pa kaya hindi naman siguro siya gagawa ng eksena dito.



"Dawn, uhmm.. si Stacey. Ka--kaibigan k-ko." Nauutal na pagpapakilala ni Richard. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan. Yung anyo ni Dawn parang sasabak na sa giyera. 

"Excuse me. Ex-girlfriend." Malambing pang pagtatama ni Stacey sa sinabi ni Richard at saka ngumiti ng nakakaloko kay Dawn. Parang nagdedeklara din yata kasi ng digmaan ang isang to e.

"Ah okay. And I'm the current girlfriend, Dawn Zulueta." Matamis ding ngumiti si Dawn saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Stacey.

Ang hirap maipit sa ganitong sitwasyon. Gusto niyang umalis pero nanaig ang kagustuhan din niyang makita kung ano ang susunod na mangyayari.

Nagsilbi silang audience. O diba ang saya? May magandang dulot din pala ang pagpayag niyang sumama sa lakad na ito. hehe..

Habang nag-paplastikan ang dalawang babae ay napansin niyang pasimpleng hinapit ni Aga ang baywang ni Lea. 



'Hokage na naman ang isang to.'

Napangiti siya dahil hinayaan lang ni Lea si Aga.


Hmmnn.. bumabawi sa sakit na idinulot kanina. Ayos yan Salonga. 😂 

"Let's get out of here. Baka madamay pa tayo sa gulo." Narinig niyang ibinulong ni Aga sa tainga ni Lea.

"Uy, Muhlach. Kailangan nandito kami kapag nagpasyang ingudngod ni Dawn ang haliparot na yan sa sementadong kalsada." Sabi ni Vice na mukhang narinig din ang sinabi ni Aga.

"At sa'yo pa talaga manggagaling yang Ayaw madamay sa gulo. Dumito muna tayo, bestfriend. Para may umawat." Sabad niya.

"Pambihira. Kaya niyo na yan. Baka kung ano pang mangyari sa Babes ko. Wala pa namang kaming anak, mahirap na." Biro ni Aga sabay kindat kay Lea.



Umikot ang mga mata ni Lea saka umirap kay Aga.

"Ano bang nakain niyong magkakaibigan at naisipan niyong sundan kami?" Seryosong tanong ni Lea.

May sa demonyo nga yata ang babaeng to, paano niya napansin yun? baka naman may mata sa likod.. 

✩✩✩

Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon