HONDA

1.4K 41 14
                                    

✩✩✩

AGA


Sakay na sila sa kanyang sasakyan at iniwan nila ang sasakyan ng dalaga sa parking lot ng paaralan.


"Saan ba tayo pupunta?", asik ng dalaga sa kanya.

"Sa bar ni John. Malapit lang naman yon kaya huwag kang mabagot.", sagot niya.


Maya maya ay inilabas nito ang cellphone.

"Sino tinatawagan mo?"


"Sa bahay ko.", simpleng sagot ng dalaga.

'Buti naman at hindi boyfriend o manliligaw.'


Pagkatapos nitong makipag-usap sa mga magulang ay napapikit ito.

"Inaantok ka na?"

Walang sagot.

"Uy, tulog ka na?", pangungulit niya.


"Wag kang magulo, nagdadasal ako.", sabi nito ngunit nakapikit pa rin.

"Maingat naman akong magmaneho a."


"Nagdarasal ako na sana bigyan ako ng mas mahabang pasensya dahil nagbalik ka na naman para guluhin ang buhay ko."


"Ibig sabihin na-miss mo ako?", hindi niya alam kung bakit ganun ang nasabi niya, wala namang koneksyon yun sa sinabi ng dalaga.


Napatingin tuloy sa kanya Lea. "At bakit naman kita mamimiss?", mataray na tanong nito. "Tuwang-tuwa nga ako nung umalis ka e. Ipinagdasal ko pa na sana hindi na tayo magkita pa ulit."


Hindi na lang siya nagkomento pero napangiti siya ng maluwang.


'Hinding hindi mangyayari 'yon. I'm staying here for good.'

>>>


Nang makarating sila sa kanilang destinasyon, bumaba na siya para ipagbukas si Lea ng pinto ng sasakyan.



"Nandito na po tayo. Hindi po ba kayo bababa?", tanong niya ngunit hindi pa rin ito tumitinag, nakatitig lang ito sa harap ng sasakyan at nakahalukipkip.


"Kamahalan, hindi pa po ba kayo nagugutom?"

Papanindigan ata talaga ng dalaga na hindi siya kausapin.


"Sinisubukan mo talaga ako a.", pikon niyang turan at walang babalang binuhat niya ito palabas ng kotse.

"Ibaba mo ako.", nagpupumiglas na sabi nito. "Walang hiya ka. Sabi ko naman na ayokong sumama sa'yo. Patong patong na ang atraso mo sa akin." sigaw ng dalaga.


Pinagtitinginan na sila ng mga customer doon. Subalit walang ginawa ang mga bouncer dahil sinenyasan niya ang mga ito na huwag makialam.



"Ibaba mo ako ngayon din dahil kung hindi magsasampa ako ng demanda. Kidnapping, sexual harassment--"


"Lea?", gulat na gulat na tanong ni Robin.

Nakarating na sila sa VIP room saka lang niya ibinaba si Lea. Nandoon ang tatlong kaibigan niya kasama ang mga ka-date. Si Robin lang ang walang kapareha. Ewan naman niya kung saan nakuha ni John ang kasama nitong babae.


Bigla silang natahimik. Maging si Lea ay hindi rin mawari ang gagawin.

Biglang tumayo si Chard at kumuha ng extra chair para sa kanilang dalawa ng dalaga.

Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon