SUZUKI

1.1K 44 8
                                    

✩✩✩

Kahit nagulat ang kasambahay ay pinatuloy niya pa rin siya sa loob ng bahay.

"Saan ba ang kwarto niya dito?" tanong niya habang buhat buhat pa rin ang nahihimbing na si Lea.

Sinamahan siya ng kasambahay sa kwarto ni Lea. Inihiga niya sa kama ang dalaga at saka pinagmasdan ang loob ng silid. Napangiti siya dahil masyadong malinis at organize ang kwartong iyon. Halatang isang organisadong tao ang may-ari nun.

Nakaramdam siya ng hiya dahil feeling niya nag-iinvade siya ng privacy kaya lumabas din siya agad kahit gustong gusto niyang halughugin ang bawat parte ng silid na 'yon.

Pagbaba niya ay may pitong tao na naghihintay sa kanya sa living room. Dalawang lalaki at limang babae. Ang isa ay ang kasambahay na nagpapasok sa kanya.

Lumapit sa kanya ang may edad nang babae, hula niya ay ito ang mayordoma.

"Nasabi po sa akin ni Donna na kayo daw po ang asawa ni Ma'am Lea. Ipagpaumanhin niyo po dahil hindi namin kayo nakilala. Wala naman po kasing sinasabi si Ma'am na nag-asawa na pala siya. Masyado kasing malihim ang batang 'yon. Manang Aida po ang tawag sa akin dito, ako ang nag-alaga kay Ma'am Lea mula pa noong bata siya."


"Ikinagagalak ko po kayong makilala. Ako po si Aga Muhlach."

Isa-isang ipinakilala ni Manang Aida ang mga kasama at napag-alaman niyang, hardinero/driver pala ang dalawang lalaki na kasama nila.

"Tutuloy na po ako Manang Aida." sabi niya kapagkuwan.

"Ay bakit po? Saan po kayo tutuloy?"

"May bahay po kami dito sa Manila. Doon po ako uuwi."

"Ah, e sige ho, sir. Hindi na po kami manghihimasok sa anumang napag-usapan ninyong mag-asawa sir, kaya ingat na lang po." sabi ni manang Aida.

>>>

LEA


Napabalikwas siya ng bangon at unti-unting iginala ang paningin sa paligid. Kinapa niya ang katawan sa anumang senyales na napagsamantalahan siya. Nakahinga siya ng maluwag nang mapagtantong suot pa rin niya ang damit niya kahapon at nasa loob siya ng kanyang sariling silid.


Pilit niyang pinaniwala na ang lahat ng nangyari ng nagdaang araw ay isang panaginip lang. Ngunit pagbaba niya sa komedor ay masaya siyang binati ni Manang Aida.

"Manang, paano ako nakauwi?"

"Inuwi ka ng asawa mo kagabi." Walang anumang sagot ni Manang.

Nasamid siya sa iniinom na kape at naibuga niya. "Anong asawa?"

"Ano ka ba namang bata ka, hindi mo na kailangan magkaila. Ang gwapo naman ng asawa mo, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo at nagawa mong ilihim ito."

Napanganga siya. "Anong pangalan niya?"


"Ano bang nangyayari sa'yo? Pati pangalan ng asawa mo, nakalimutan mo. Si Aga Muhlach. At saka paano mo pala naitago ito sa aming lahat?"

Magsasalita sana siya ngunit biglang tumunog ang cellphone niya. Si Dawn ang tumatawag.

"Hello?", aniya.

"Mapapaaga daw ang dating nina Mr. Tien. Nakaready na ba ang presentation mo para mamaya?", tanong ni Dawn.

"Ichecheck ko lang.", agad niyang pinindot and end button saka bumaling kay manang Aida.  "May iniwan ba siyang mga folders kagabi?"

"Wala naman siyang iniwan." Eksakto namang pagpasok ni Donna sa komedor. "Donna, may iniwan ba na folders si Sir Aga kagabi bago siya umalis?"

"Wala naman po.", sagot ni Donna.

Napapikit siya ng mariin. Paano niya ngayon kukunin ang mga folders na nasa backseat ng kotse ni Aga Muhlach slash Mr. Arrogant.

✩✩✩

Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon