LAMBORGHINI

1.1K 46 4
                                    

For karlaPanda7 and kimmcodilla

✩✩✩

AGA

Nag aayos na si Lea nang kanyang gamit nang datnan niya ito sa Principal's office.

Hindi man niya alam pero sigurado siyang ang mga folders na nakalapag sa ibabaw ng mesita ay iuuwi nito kaya wala nang paalam na binuhat niya ito. Eksakto namang nakaayos na ito at ready nang umalis.

Wala silang imikan habang naglalakad sa hallway papuntang parking area.

At ganun hindi rin ito nagsasalita habang binabaybay ang highway pauwi sa bahay ng mga Salonga.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng basagin ng dalaga ang katahimikan.

"Do you remember Dominique Alleje?"

"Sino 'yon?"

"'Yong girlfriend mo noong high school?"

"Ha? I don't remember having a girlfriend aside from you." Sagot niya.

"Excuse me. Hindi mo ako naging girlfriend. Si Dominique, 'yong cheerleader na palaging nagpapansin sayo."

"Aha, so sinusubaybayan mo ako noon. That's so sweet, Babes." Abot tainga ang ngiti nito.


"Hindi kita sinusubaybayan. And don't call me Babes."


"Okay. So bakit mo tinatanong yang Dominique na yan?"


"Naghahanda ang paaralan para sa nalalapit na reunion ng batch natin." Panimula ng dalaga.

"Reunion ng batch? Bakit hindi ako naimbitahan?", maang na tanong niya.

"Kasi sinadya ko na hindi ka imbitahin."

Bigla siyang nagpreno at itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Bakit?" Naguguluhang tanong ng asawa.

"Hindi mo ako pinadalhan ng invitation? So ibig sabihin ikaw ang organizer at dahil ayaw mo akong makita hindi ka nagpadala ng invitation."

"Bakit hindi ka ba sinabihan ng mga kaibigan mo?"

"Hindi. At 'yong tanong ko ang sagutin mo, madam principal." Parang naiinis na sabi nito.

Huminga muna ito ng malalim bago sumagot.

"Okay. I didn't bother to send invitation because you were in California so I thought that would be a waste of time and effort kasi according to my source, you are very busy making your millions. So there." Paliwanag nito pero hindi pa rin siya kumbinsido.

"I won't buy that. Who is your source?"

"Hay naku, bahala ka. Bakit nga ba ako nag-eexplain sayo." Sabi nito saka humalukipkip.

Hindi na siya nagkomento at pinaandar na lang ang sasakyan.

Nang makarating sila sa bahay ng asawa hindi na siya nag abalang pagbuksan ito ng pinto.

Nasa bukana na ito ng main door nang bigla itong lumingon sa kanya.

"Hindi ka na ba papasok?"
"No. I'll go ahead. May meeting pa kami nina John ngayon."

"Okay, pero anong klaseng meeting yan? At bakit kailangang gabi?."

"Dahil may mga bagay na sa gabi lang ginagawa." Makahulugang sabi niya.

Possibilities [Completed]Where stories live. Discover now