LAND ROVER

1.1K 45 14
                                    

✩✩✩


DAWN ZULUETA



"When are you coming back? Ang dami mo nang namiss. Lalo na sa love life namin."

After what it feels like a decade ay nakontak din niya thru phonecall ang kaibigan nilang si Vice. Kaklase nila dati ito noong first and second year high school sila pero nagmigrate kasi sa Canada ang pamilya nito kaya hindi na nila nakasamang grumadweyt.

Nagkikita pa naman sila during Summer Break dahil nagbabakasyon din siya sa abroad kasama din ang family niya. Minsan naman nagkikita din sina Vice at Lea pero kapag umuuwi lang si Vice dito sa Pilipinas every christmas.

"Hoy, tumigil ka nga. Anong lovelife namin? Kung sa'yo maniniwala ako, malandi ka e..pero kung si Salonga, ayoko nang umaasa."

"Sobra ka naman, Vice. Una, hindi ako malandi, maganda ako. And about Lea...you wouldn't believe it...Do you still remember Aga?"

"Si poging gangster? Yung palaging kaaway ni Salonga noon? At palaging suki sa Guidance Counselor? Yah, why?"

"He's Lea's husband now." Kinikilig na pagbabalita niya.

"Echusera! Paanong nangyari yun? Anong nangyari kay Muhlach, nabulag ba o nagayuma?."

"Hoy, bakla! Bat ka ganyan, Matagal na kayang may gusto si Aga sa bestfriend natin. At paanong nagayuma, ni hindi nga siya gusto noon ni Lea."


"Hindi gusto noon.. e ngayon may gusto na? At kailan sila kinasal? Wala man lang akong natanggap na invitation." Tila nababagot na sabi ni Vice. Inaakala siguro nito na nagbibiro siya.



"E sa hindi ka invited e." Pambabara niya.  Nakakaloka din kasi itong kaibigan nilang ito, masyadong alaskador at walang bilib sa kagandahan nila ni Lea.

She knows the whole story. Every detail of it pero hindi muna niya sasabihin yun kay Vice. Kaya bahala itong mag-isip kung anong nangyari.

"Pero seryoso ba talaga teh? Maniniwala na ba ako?"

"Maniwala ka nga.Ikaw lang naman ang palaging nagbibiro sa grupo natin. Hindi ako magsasayang ng load para tawagan ka at magjoke lang, ang mahal kaya ng tawag na to." Kahit kailan talaga itong si Vice, hindi naniniwala, sabagay ugali naman kasi niya ang palaging nagbibiro kaya tuloy nahihirapang maniwala.

"So kailan ka uuwi?"

"Marso pa lang ngayon, malayo pa ang pasko."

"Bakit kasi kailangang pasko ka lang uuwi? Ano bang hindi mo maiwanan diyan? And don't tell me trabaho dahil hindi ako maniniwala."

"Kung sasabihin kung Boyfriend? Maniniwala ka?" 

"Hindi. Wag kang feeling. Umuwi ka na dito dahil kailangan ng matinding advice ng kaibigan natin."

"Sagot mo ang plane ticket ko?"

"Ay, poor." Pang-asar niya.

"O e di huwag, ang lakas ng loob mong magpauwi sa akin wala ka naman palang ibibigay na pamasahe."

"Oo na ano ka ba. Wala na kasi akong mapaghihingan ng tulong regarding kay Lea."

"Lumalala na ba ang sakit niya?"

"Parang."

"E di hindi ako uuwi, sayang ang pamasahe. Ako na lang ang sasagot sa burol at libing niya."

"Uy, sobra ka naman! Nakakapangilabot ang mga birong ganyan, Vice. At saka kaibigan natin yun."

"Sabi mo kasi malala na e. Ano pang magagawa ko? Magdasal na lang at humingi ng milagro."

"Dawn?" Narinig niyang tawag ni Lea sa kanya.

"Vice, I'll call you back later. Lea is calling me." Sabi niya tapos pinatay na agad ang phone. Eksakto namang pagpasok ni Lea sa Faculty room.

"Bakit?" Tanong niya.

"Nakita mo ba ang folder na ipapasa natin sa Registrar mamaya?"

"Di ba nilapag ko yun kaninang umaga pa sa table mo?"

"Wala na kasi doon e. Pero sige, I'll check again."

'Anyare dun? Kaibibigay ko lang nawala na.'

Sinundan niya ang kaibigan sa opisina nito. Buti na lang wala siyang klase sa oras na to.

"Ay, nandito pala." Turan ni Lea pagkakita sa folder na hinahanap.

"Lei, what's happening? You are the type of person na mamimisplace ang mga importanteng bagay." Puna niya.

"I'm just..disoriented." sagot nito.

"I won't pry. I've talked to Vice a while ago."

"Tapos?" Walang ganang tanong nito.

"Uuwi ata."

"Aba, himala. Marso pa lang ngayon." Ulit nito sa sinabi ni Vice.

Nakakastress namang kausap ang mga kaibigan kong to. Una si Vice ngayon naman ganito din di Lea.

"Ibinalita ko sa kanya ang tungkol sa inyo ni Aga."

"Ano?" Bulalas ni Lea. "Bakit mo ginawa yun? Baka mamaya maikwento pa niya sa iba at umabot kay Dominique."

"Sus, kung makapag-isip ka naman. Hindi ko sinabi ang tungkol sa tunay na nangyari. Ang sabi ko lang kasal ka na. At uy, natethreaten na siya kay Dominique!! Hehe..wag kang mag-alala kasi hindi ka ipagpapalit ni Aga."

"Iba na naman ang usapan." Sabi nito.

"O ito na lang, kumusta ang pakiramdam mo? Nasabi mo na ba kay Aga?"

"Ang alin?" Patay malisyang tanong ni Lea.

"Ay ewan ko sa'yo. Ang hirap mong kausap. Makaalis na nga."

✩✩✩

Possibilities [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon