McLAREN

1.1K 55 12
                                    

LEA SALONGA-MUHLACH


"Anong nangyari don?"


"Bakit umalis?"

"Nag-away ba kayo?"


Yan ang mga sunod sunod na tanong nina John, Kris at ni Dawn.


Nagkibit-balikat lang siya. Wala siyang panahon para ientertain ang mga tanong nila.



"Magpapahinga na ako."


"Sandali lang naman, Lei. Meryenda muna, dun sa cottage na yun. Mas maganda ang view." Turo ni Dawn sa isang nakaisolate na cottage malapit sa may resort concrete fence which is overlooking the ocean.


She gave Dawn a warning look.


Pagod talaga siya at hindi ang makipagsocialize ang pinunta niya dito.

Paano siya makakapagpahinga kung tulad ni Dawn ang kasama niya? Idagdag pa ang super kulit at malokong mga kaibigan ni Aga. And make to things worse, kasama pa nila ang super daldal din na si Kris.

Bakit nga kasama si Kris sa grupo nila?

Dawn seemingly didn't get what she means.


"Look. I came here to get away from the pollution and stress. Kaya please lang, spare me sa mga kalokohan niyo. Gusto ko nang tahimik na bakasyon."



"Aba, ano ang tingin mo sa amin, Salonga? Panggulo?" Tila napikon na tanong ni John. "Tara na nga. Wag niyo na kasing pilitin ang ayaw."




Tuluyan na sana siyang iiwan ng mga ito nang may bigla na namang sumigaw.

"Hello, everybody!!!!"


At parang iisang tao na lumingon sila sa entrance ng resort.


Napasapo siya sa kanyang noo ng makita ang bagong dating.

Mahabaging langit! May dumagdag pa.

Parang gusto na niyang bumalik na lang sa Manila pagkakita niya kay Vice.

●●●


AGA MUHLACH

Halos magkasunod lang pala sila ni Vice dahil dinig na dinig niya ang eskandalosong baklang boses nito.



Yung ibang guests, pinagtitinginan na sila.


Nakipagbeso beso si Vice sa tatlong babaeng naroon.

At inirapan ang tatlong lalaki maliban sa kanya.


"O mabuti naman at naisipan mong bumalik." Si Richard agad ang unang nakapansin sa kanya.

"Wala kang pakialam." Bulong niya sa kaibigan.



Tumingin siya kay Lea na sakto namang nakatuon din pala sa kanya ang atensyon.




"Oh my God! All the members of the gang are here. What a reunion!!." Punong puno ng energy na sabi ni Vice. "Night swimming tayo mamaya ha, tapos kwentuhan."


"Wait!! Anong gang? At anong reunion?" Nakakunot noong tanong ni Lea. "At kailan pa ako nasali sa gang na sinasabi mo?"

"Ito naman, napaka-KJ mo talaga kahit kailan. Pwede bang kahit ngayon lang Enjoyin mo na lang." Sabi ni Vice.

Possibilities [Completed]Where stories live. Discover now