Chapter 4

1.6K 70 10
                                    


Chapter 4 - Cries


Nasan na si Jacin?

Kinabahan ako. Nasan na 'yun? Ang bilis niya namang mawala? Lasing siya, baka kung anong mangyari sa kanya!

Nilibot ko ang paligid ng bar hanggang sa nakarinig ako ng sigaw.

"Ano? Laban pa?! Puro yabang ka lang pala! Wala ka naman palang ibubuga!"

Sinundan ko agad 'yung pinanggalingan ng mga boses hanggang sa nakarating ako sa medyo madilim na bahagi ng parking lot ng bar.

Nakita ko si Jacin na nakahandusay sa daan, at sinisipa siya nung tatlong malalaking mama! Dumudugo ang gilid ng bibig niya at ang dami na niyang pasa!

"Tama na po! Tama na po please!" sabi ko dun sa mga mama. Hinarang ko ang katawan ko kay Jacin nang akmang sisipain ulit siya. "'Wag n'yo na po siyang saktan, lasing lang po siya!"

Ano bang ginawa niya? Kalalabas niya lang tapos ganto na?

"Syota mo ba 'yan Nene?"

"Ang bastos e! Ang yabang pa porquw marunong mag-ingles!"

"P-problemado lang po siya. Please t-tama na po. S-sorry na po." Pagmamamakaawa ko sa mga mama. Nakakatakot sila.

"Nene, pasalamat ka naaawa kami sayo! Pagsabihan mo 'yang syota mo sa susunod!"

"Bantay-bantayan mo! Ilugar kamo ang kayabangan niya!"

Nakahinga ako nang maluwag nung makalayo sila. Nakakatakot talaga.

Nanginginig ang mga kamay akong lumuhod sa gilid ni Jacin. Parang wala lang sa kanya 'yung mga pasa niya, mukha nga siyang walang pakielam kanina habang sinisipa siya e. Parang napapabugbog at nagpapasipa pa talaga siya.

Diretso lang tingin niya sa maliwanag at puno ng bituin na kalangitan.

"J-Jacin..."

Wala siyang sinabi. Bigla na lang siyang tumawa ng malakas. It doesn't sound like a bitter laugh, hind rin 'yon tawa ng masaya... tawa 'yon ng lasing pero walang ka-emo-emosyon.

"O-okay ka lang ba? Bakit bigla ka na lang tumatawa?"

"You're so dumb." sabi niya, tiningnan ako sa mga mata.

Alam ko naman 'yon... pero mas masakit pala kung si Jacin mismo ang magsasabi.

"Are you even thinking?" sabi niya ulit, "Pano kung ikaw ang sinaktan nila?"

"Ha?" Nag-alala ba siya sakin? Syempre dahil mabait siya. "H-hindi ko na naisip 'yun e. Sinasaktan ka nila. Nasasaktan ka na emotionally, masasaktan ka pa physically. Kahit ako na lang physically. Hindi mo naman kailangang saluhin lahat ng sakit e... Y-you can share it with me."

"Leave me alone." he says coldly, at saka itinakip ang braso sa mga mata niya.

"A-ayoko. Hindi kita iiwan dito. Baka mamaya bumalik 'yung mga mama e. Just pretend I'm not here."

Andrea June, sinulit mo talaga ang kapal ng mukha mo.

Katahimikan ang sumunod.

Umayos ako at tuluyan nang umupo sa gilid ni Jacin, na nakahiga pa rin sa malamig na sementong daan ng parking lot.

Kahit pa takpan niya ang mga mata niya, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang sunud-sunod na pagtulo ng luha niya.

Kung pwede lang maghati tayo sa sakit na nararamdaman mo e.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon