Chapter 7

1.4K 70 9
                                    


Chapter 7 - Numbers


Masaya akong nag-drive papuntang school.

Kahapon, nang makaalis sila Jacin at Miles, pinuntahan ako ni Roxy dahil akala niya nagka-problema. Hindi ko raw kasi siya tinatawagan o tinetext. Dinala namin sa mansion nila 'yung Lamborghini ni Jacin ng buong pag-iingat para doon muna iparada. Madami naman kasing magagarang kotse sila Roxy, walang magtatanong o mag-uusisa kung madagdagan man nang isa pang magarang kotse ang nakaparada sa napakalaking garahe nila. Kaya nang makauwi sila Nanay at Tatay, wala nang bakas si Jacin.

Meron pala! Naiwan ang mabangong coat niya! Nilaban ko ng buong ingat kahapon at isasabay ko ngayon sa pagsasauli ng kotse niya.

Nakakakonsenya nga lang dahil hindi ko masabi sa mga magulang ko na nagpatuloy ako ng lalaki sa bahay. Kahit pa sinabi ni Roxy na hindi ako nagsinungaling, naglihim naman ako. Wala rin naman daw point kung sasabihin ko pa dahil wala namang nangyari samin ni Jacin. Inalagaan ko lang naman talaga siya buong gabi at inakala pa yatang ako si Ayu.

Baka raw magalit lang sa'kin sila Tatay at Nanay kapag sinabi ko sa kanila.

Sa halip na sa school, kila bes ako nagpahatid kay Tatay kanina. Nagpa-alam si Roxy na gagamitin niya ang sariling kotse ngayon, isasabay niya na lang daw ako para hindi na magpunta ng school si Tatay. Kahit ang totoo, para madala at ma-drive ko sa school 'yung kotse ni Jacin.

Pagka-alis ni Tatay upang ihatid ang mga magulang ni Roxy sa kompanya nila, siya namang pagpasok ko sa school upang i-drive ang kose ni Jacin.

Nakokonsensya na talaga ako. Hindi ako sanay na magsinungaling o magtago ng lihim, kahit pa si Roxy ang nagsinungaling para sakin. Baka nagiging bad influence na ko kay Roxy.

Pero masaya pa rin ako kahit papano. Dina-drive ko ang kotse ni Jacin at sobrang bango dito sa loob na para bang nandito lang siya at kasama ko. Lalo na kapag pumikit ako, (pero syempre hindi pwede dahil baka maaksidente ako! Hindi pwedeng magasgasan ang kotse ni Jacin! Pinakatiwala niya sakin 'to!) parang nasa tabi lang talaga siya.

Nakapasok na kami ni Roxy sa Luxford, nauuna siya sa'kin habang nakasunod lang ako sa kanya. Nilabas niya ang isang kamay at nag-wave, kailangan na kasi naming maghiwalay dahil may sariling parking lot ang mga miyembro na Pyxis na para lang talaga sa kanila. Sa tabi lang naman 'yon ng Pyxie Point.

Sa pinakadulong part ang space ni Jacin dahil siya ang pinakabata.

Dahan-dahan akong nag-park bago bumaba. Para kasing attendance sheet nila itong parking lot, malalaman mo kung sinong miyembro ng Pyxis ang naririto na o wala pa sa mga nakaparadang kotse.

Ang unang slot ay pagmamay-ari ng ng leader nilang si Noah, ang pangalawa kay Aiden, sunod ang kay Ice, kay Hunter, kay Miles, tapos sa crush ni Roxy na si Tyler, at si Jacin sa dulo.

Iyong tatlong slot sa dulo palang ang may mga naka-park na sasakyan. Ang Lamborghini ni Miles, Porsche ni Tyler, at itong Lamborghini ni Jacin.

Nandito na kaya siya? Pano kaya siya papasok? Sasabay kaya siya kay Miles?

Nilingon ko ang Pyxie Point sa gilid ko. Wala pang katao-tao. Nasa klase na kaya sila? Pero maaga pa.


"Who are you and why did you drive his car?"

Impit akong napasigaw at napahawak sa dibdib ko dahil sa biglang nagsalita. Ilang beses akong napalunok nang makita ko kung sino siya. Ang ganda niyang talaga. Lalo na ngayon sa malapitan.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora