Chapter 11

1.6K 74 13
                                    


Chapter 11 - Tsismis


It's the start of the second quarter pero hindi ko magawang magsaya. Mahihiwalay sa'kin si Roxy. Nakapasok siya sa highest 50, at pang-22 sa pinakamatataas! Marami siyang naungusan sa section A, kaya ng malaman ito ng lolo niya sa Grecce ay agad nitong inutusan ang mga magulang ni Roxy na mag-request ng transfer sa A. Ayos lang naman sa mga magulang niya kahit wala siya sa A, alam kasi ng mga ito na ayaw akong iwan ni Roxy. Pero napakahigpit ng lolo niya, kaya kahit ayaw niyang lumipat ng hindi ako kasama, wala siyang magagawa kundi sumunod.

Si Roxy lang ang nakatupad sa goal naming dalawa na mapunta sa A. Hindi ako nakapasok sa Highest 50, pero nagkaroon naman ng improvement ang scores at grades ko. Babawi ako this quarter, susundan ko sila ni Jacin sa A.

"Hindi ako lilipat sa A. Bahala sila. Aano ako doon kung wala ka naman?"

"Matagal ka nang dapat na nasa A, Bes. Ito na ang panahon." sinubukan kong magbiro, hindi tumawa si Roxy.

"June, ikaw lang naman inaala ko. Paano kung ma-bully ka na naman? Alam mo naman ang mga demonyong kaklase natin. Lalo na 'yung limang demonyita—"

"Kaya ko nang mag-isa." I give him my best smile. "Kaya ko na, okay? High school na tayo. Sayang ang chance mo sa A, Roxy. Mas bagay ka do'n. Magsisikap ako para classmate mo na ulit ako next quarter." I promise my best friend with a smile.

"June..."

"Wala ka bang tiwala sa'kin, Bes?" tanong ko kahit pa ako mismo, walang tiwala sa sarili ko.

Hinigpitan niya ang kapit sa braso ko. "Basta sabihin mo kaagad sa'kin kapag may umaapi sa'yo ha? O kaya isumbong mo agad kay Miles!"

Natawa ako. Hindi niya pa rin sinusuko ang issue na pinopormahan ako ni Miles. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang nangyari last Friday, nang hindi ko inaasahang pupuntahan ako ni Jacin sa school, at dahil 'yon kay Miles. Kakarating lang kasi nila Roxy kahapon galing Greece.

"Isilay mo ako kay Jacin, ha? Magkaklase na kayo!"

Alanganin lang siyang tumango.

Naghiwalay kami dahil malapit ng mag-umpisa ang morning class. Mag-isa akong pumasok ng classroom.


"Aw, look she's alone! Saan na si Bessy mo?"

"Kawawa ka naman! Naiwan ka na!"

"Bobo mo kasi, eh. Tsk."

May isa pa sa kanilang sumipa ng upuan ko. "Alis nga dyan! Doon ka sa likod, ako na ang uupo d'yan simula ngayon."


Tahimik kong kinuha ang mga gamit ko at lumipat sa pinakadulong upuan sa tabi ng bintana. Laking pasalamat ko dahil dumating na ang teacher. Huminto na sila sa panggugulo.

Akala ko lang pala, dahil nang sumapit ang break time, hinarang nila kong lima sa pinto dahil palabas sana ako. They are the same girls who used to bully me in middle school. Hindi nila ako ginagalaw kapag kasama ko si Roxy.

And Roxy's not here.

"Ang bilis mo naman Superweak! San mo balak pumunta, ha?" tanong ni Angeline, ang namumuno sa limang babae.

Bago pa ko makasagot, may nauna na sa'kin.

"Saan ba pumupunta 'yung mga students kapag break na?"

Si Roxy! He's here! Pakiramdam ko ay nasagip ako ng isang guardian angel.

"Supergay?! Akala ko nasa A ka na? Bakit nandito ka ulit? Hindi pa kami nakakapag-simula sa best friend mo, eh." Nakangising sabi ni Angeline.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon