Chapter 25

1.7K 68 23
                                    


Chapter 25 - Ships


"Bitawan n'yo nga ako mga bwisit kayo!" sigaw ni Alisson kay Jacin at Miles, buhat kasi siya ng dalawa na habang tumatakbo.

Nasa tabing dagat kaming lahat ngayon. Dito kami dumiretso matapos mag-almusal, may balak yata silang mag-swimming maghapon dahil bukas uuwi na kami.

Biglaan lang ang nangyari. Naglalakad kami papunta sa tabing dagat nang bigla na lang huminto 'yong tatlo: sina Hunter, Jacin at Miles. Nagkatinginan lang sila sa isa't isa, tapos bigla nang tumakbo si Alisson palayo, at hinabol na siya no'ng dalawa.

Sa bilis tumakbo ni Jacin, nahuli niya agad si Alisson, binuhat nila ito ni Miles. Nang makarating ang dalawa sa nag-aabang na si Hunter sa tubig, silang tatlo na ang bumuhat kay Alisson at saka ito tinilapon ng malakas sa dagat.

"I'm gonna fucking kill those three." Gigil na bulong ni Tyler.

"Ikaw eh, palagi mong sinosolo si Alisson." sabi ni Ice. Ang gaan ng ngiti niya habang nakatingin kay Alisson.

"She's my girlfriend?" sarkastikong sagot ni Tyler.

Noah clears his throat, nangingiti.

"And she's our friend!" sabi naman ni Aiden.

Napangiti rin ako. Ang saya sigurong maging si Alisson.

"Mga siraulo kayo!" sigaw ni Alisson nang makaahon siya, "Hinagis n'yo na 'ko kahapon, ah! Hindi pa ba kayo nagsasawa?!"

Tinawanan lang siya no'ng tatlo. Ang lakas ng tawa nila! Lalo na 'yong tawa ni Jacin, lalaking-lalaki at ang sarap pakinggan. Unang beses ko siyang makita at marinig tumawa nang ganito. Ang saya-saya niya talaga. Parang normal na sixteen year sold lang siya at hindi si Mr. Perfect ng Pyxis.

"Poor, Alisson." sabi ni Sam habang natatawa at naiiling.

Pinagtutulungan na nilang basain ngayon ng tubig dagat si Alisson, kaya pinuntahan na siya ni Tyler para tulungan, sinundan siya ni Aiden at Noah. Si Ice naman nanatili lang sa tabi namin ni Sam, sa ilalim ng puno ng buko, ayaw niya daw kasing mapagod.

Si Tyler at Alisson laban kay Miles, Hunter, Jacin, Aiden at Jacin.

Para silang mga bata.

Natatawa na lang kami habang pinapanood sila.

"Hey! Tulong naman dito!" sigaw sa'min ni Alisson.

"Ang init kaya! Ayokong umitim!" sigaw pabalik ni Sam.

Pero umahon na si Miles, nakangisi habang palapit sa'min.

"Miles Devane! Don't you freaking dare!"

Lalo lang lumawak ang ngisi ni Miles, "Oh, I freaking dare, Sammy."

Binuhat niya si Sam at dinala sa tubig kahit pa pilit itong kumakawala sa kanya.

Natawa na lang ulit ako.

Nahagip nang tingin ko si Jacin.

Nakangisi din siya sakin.

"Run for your life, June!" sigaw ni Alisson.

At sa gulat ko, biglang tumakbo si Jacin palapit sa'kin.

Kinabahan ako bigla. Sinunod ko si Alisson at tumakbo talaga ako ng mabilis.

Anong gagawin sa'kin ni Jacin?! Ihahagis niya rin ba ako sa dagat? Malakas siya! Baka hindi na 'ko maka-ahon kapag hinagis niya 'ko!

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon