Chapter 34

1.6K 58 53
                                    


Chapter 34 - Favorite Place


STUDENTS WITH 95% SCORES AND HIGHER


Fujiwara, Sayaka

Mendes, Jacin Kross

Velasco, Andrea June

Walter, Eliseo Philip


WELCOME TO 1-A!


Pinaulit-ulit kong basahin ang nakapaskil sa sliding door ng room ng 1-A.

Kabilang na 'ko sa A! Kaming dalawa ni Jacin! At classmate na namin si Roxy!

Totoo ba 'to? Ako nga ba talaga 'to? Hindi kaya kapangalan ko lang?

Pinasingkit ko ang mga mata ko para mas makita ito ng mabuti.

Velasco, Andrea June

Pero ako nga talaga!

Gusto kong magtatalon sa tuwa! Pero baka kung ano ang isipin ng mga tao sa paligid.

Kung kasama ko sana si Roxy na magtatatalon, okay lang. Kung hindi lang siya suspended malamang uunahan pa kong magtatalon no'n habang tumitili.

Parte na nga talaga ako ng 1-A.

Pero ayokong pumasok sa classroom ng mag-isa. Wala si Roxy, at wala pa rin Jacin.

Nag-text na lang ako kay Roxy habang naghihintay kay Jacin.


< Me: Bes! Nakakuha ako ng 95%! 1A na ako! Kami ni Jacin!

Me: Miss na kita Bes! :(

Me: Sobrang excited pa naman akong maging classmates tayo ulit :( >


Gustuhin ko man siyang tawagan, siguradong tulog pa siya ngayon.

Ilang minuto na lang mag-uumpisa na ang klase pero wala pa rin si Jacin.

Nasan na kaya siya?

Nanuod na naman kaya ng cartoons magdamag?

Hindi ako pwedeng ma-late sa unang araw ko sa A. Pero hindi ko yata kayang pumasok sa loob ng mag-isa.

Okay June, wala kang mapapala kung matatakot ka! Magpakatatag ka! Matuto ka namang mag-isa!

Huminga ako ng malalim at lakas loob na pumasok sa room.

"Velasco?"

"What the hell is she doing here?"

"Bitch, you don't belong here. Get out."

Buti na lang nakasuot ang earphones ko. Nagkunwari akong hindi sila naririnig. Deretso akong naglakad sa dulo kung saan may nakita akong bakanteng upuan.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon