Chapter 33

1.7K 66 39
                                    


Chapter 33 - Payback Time


"CONGRATULATIONS JUNE!"


Hindi ako makapaniwala.

Napanalunan ko ang National Painting Competition... na naiuwi ko ang sobrang laking trophy ng NPC. Ilang beses kong kinurot ang sarili ko kanina... muntik na rin akong magpabatok kay Roxy dahil baka nanaginip lang ako.

Pero totoo ang lahat.

Nanginginig ang buong katawan ko kanina habang paakyat ng stage. Hindi ako nakapagsalita ng maayos sa sobrang kaba, pabulol-bulol ako. Pinasalamatan ko ang lahat ng dapat kong pasalamatan, si Sir Jimenez, si Mr. Luna at ang faculty, ang family ko, ang Pyxis, si Roxy, si Jacin at syempre si Lord. Binanggit ko silang lahat kahit pa nanginginig ang boses ko.

Napakadami rin ng tao sa gymnasium kung saan ginanap ang awarding.

Lahat ng mga taong 'yon, nakatingin sakin. Hindi ako sanay. Nang i-a-abot sa'kin ang trophy, muntik ko pa itong mabitawan dahil nanginginig ang mga kamay ko.

Pyxis ang unang tumayo at apumalapak nang tinawag ang pangalan ko, si Roxy kahit nagwawala at nagtatalon, kita ko pa rin ang mga mata niyang halos maiyak na. Si Jacin, ang ganda ganda ng ngiti niya sa'kin... as if he's silently saying he's proud of me.

Naiiyak na ako pero pinigil ko ang sarili ko. Nakakahiya, ang daming tao! Bukod sa Luxford students, may mga students din mula sa mga ibat-ibang school. Nakakahiya kung iiyak ako.

"Ms. Velasco, before you leave the stage we'd like to ask you something. I'm sure all of us here are curious... Who is the silhouetted face of your painting?" tanong sakin ni Mr. Lazaro, organizer and chief professor ng NPC.

Naramdaman ko na naman ang pagkulo ng mga pisngi ko, kasabay ng paninigas ng katawan ko at pagwawala ng puso ko.

Akala ko kaunti lang ang makakadiskubre ng secret, pero mukhang lahat sila nalaman 'yon.

"I think Ms. Velasco is too shy to tell us who it is... Perhaps he's here?"

Agad akong napatingin kay Jacin.

Tumatawa siya. 

Tinatawanan niya ba ako?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinatawanan niya ba ako?

Tumawa rin si Mr. Lazaro, "It's fine if you won't tell us Ms. Velasco, we understand. No need to blush." At nagtawanan rin ang mga tao sa buong gym.

Hiyang hiya at pulang-pula tuloy akong bumaba ng stage.

Matapos ang awarding, pumunta naman kami sa Pyxie Point. Nagpadeliver ang Pyxis ng maraming pizza, ice cream at cakes. Ise-celebrate daw namin ang pagkapanalo ko, pati ang ang pagtatapos ng exams.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon