Chapter 16

1.5K 66 32
                                    


Chapter 16 - Stare


Napakagwapo naman talaga ni Jacin. Gusto kong hawakan ang mukha niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Makuntento na dapat ako sa tingin!

Naririnig ko ang boses ni Roxy sa isip ko. Hindi naman malalaman ni Jacin kung hahawakan mo siya! This is your chance Andrea June!

Napalunok ako.

Kusang gumalaw ang mga kamay ko para hawakan ang cheeks ni Jacin. Dumilat siya bago pa man dumikit ang mga kamay ko.

Nabuwal ako sa bench sa sobrang gulat, at bumagsak pa sa cemented floor ng greenhouse. Pero maagap si Jacin, mabilis niyang naipalupot ang mga braso sa likod ko kaya hindi gaanong masakit ang pagbagsak ko.

Pagbagsak NAMIN.

Nasa ibabaw ko siya habang nakadagan ako sa mga braso niya na nakayakap sa'kin, na nagsilbing panangga para hindi derektang tumama ang likod ko sa floor.

Sobrang lapit ng mukha ni Jacin sa'kin, at halos magkadikit na ang ilong namin. I can feel his cool breath on my face!

And his lips...

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, para bang buong katawan ko ang tumitibok.

"I think you know it's rude to stare." Tukoy niya malamang sa pagtitig ko sa kanya kanina noong akala ko tulog siya.

Bakit hindi niya ko pinagbawalan?

Hindi ako makapagsalita, dahil hindi pa rin umaalis si Jacin sa ibabaw ko. He's so near, hindi ko alam ang dapat gawin.

Gumalaw siya nang mapagtanto ang awkward na posisyon namin, hindi siya agad nakaalis dahil nadadaganan ko ang braso niya. Inangat ko ang likod ko, nagtama ang mga dibdib namin, umalis siya sa ibabaw ko.

Umupo siya sa bench at pinagpag ang sleeves ng dress shirt niya.

Ako naman nanatiling nakahiga.

"What are you doing here?" tanong niya maya-maya.

Bumangon ako at bumalik sa bench na inuupuan ko kanina. "Sinusundo ka. Baka hindi ka na naman pumasok, eh."

"Hindi nga ako papasok."

"Bakit na naman? Nabitin ka ba sa panonood ng cartoons?"

Humiga ulit siya sa bench, habang naka-cross ang dalawang braso sa batok niya. "Nah, tinatamad lang ako."

Pinamaywangan ko siya. "Bakit ka pa pumunta dito sa school kung hindi ka naman pala papasok?"

"Got nowhere else to go."

"Marami kang lessons na mami-missed, sige ka."

"Google. Self-study."

Kahit yata magsalita tinatamad siya. "M-may problema ka ba? Kaya?"

"Wala."

"Eh, ayos ka lang ba?"

"Yeah." Paikli ng paikli ang sagot niya.

"Sigurado ka?"

Tumango lang siya.

"Ayaw mo talagang pumasok?"

Tango lang ulit.

"Paano 'yong plate mo? This Friday na ang due no'n."

"I'm almost finished."

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon