Chapter 35

1.5K 59 33
                                    


Chapter 35 - La Croix


"June... mahal kita. Mahal na mahal kita." seryosong sabi ni Roxy at saka ako niyakap ng mahigpit.

"Roxy..." hinigpitan ko rin ang yakap sa kanya. "Mahal na mahal din kita."

Tumawa siya ng malakas, nakayakap pa rin sakin. "Alam ko."

Natawa na rin ako. "Bakit ang drama mo ngayon ha? Bigla bigla ka na lang nag-aaya ng date matapos kang hindi magparamdam! Ano ba kasing problema? Best friend mo ako 'di ba? Ako dapat ang nagtatampo eh!"

Normal na samin ni Roxy na magsabihan ng 'I love you' o 'mahal kita.' Kaya nga madalas kaming napagkakamalan na mag-boyfriend/girlfriend e. Lalo na si Nanay na pinagpipilitan na may something daw sa'min nitong si Roxy.

"I needed to do that. Sinanay lang kita na wala ako..." malungkot na sagot niya.

"Bakit—"

"Kaya mo naman pala eh."

Marahas akong umiling. "H-hindi! Hindi ko kayang wala ka, Roxy! B-bakit naman kailangan kong masanay na wala ka?" Hinawakan ko ng mahigpit ang magkabilang braso niya. Ayoko siyang pakawalan... pakiramdam ko kapag pinakawalan ko siya... tuluyan na siyang mawawala sa'kin. "Bes... a-ano ba talagang problema? B-bakit mo ba sinasabi sa'kin 'to?"

"June... I'm leaving..."

"S-s-saan? S-saan ka pupunta?"

"Sa Greece."

"B-bakit? Anong gagawin mo ro'n? K-kailan ka aalis? Magtatagal ka ba ro'n? K-kailan ka babalik?" sunod-sunod na tanong ko kasabay ng sunod-sunod ding pagtulo ng luha ko.

"June... I'm leaving tomorrow... for good."

"B-bukas agad?" Bumitaw ako sa kanya at muling umiling. "Hindi.. hindi pwede! Hindi ka pwedeng umalis Rox Mathew! Hindi mo ko pwedeng iwan! Nagbibiro ka lang 'di ba? Gusto mo lang akong paiyakin?"

"I'm telling the truth June... aalis na ko bukas." naiiyak na sabi niya.

"Bakit ngayon mo lang sa'kin sinabi?! Edi sana.. edi sana nasulit natin ang oras nang magkasama! Sana... s-sana—"

"Nasulit ko naman eh..."

"Eh ako?!Paano ako, Roxy? Paano ako?! Aalis ka na bukas... paano ako..." Kaya pala palagi siyang umaalis... kaya pala palagi siyang malungkot... "Sana sinabi mo sakin!"

"Hindi ka ba nakikinig, June?" natatawa habang naiiyak niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko, "Gusto ko mang sabihin sa'yo... gusto man kitang makasama sa huling linggo ko rito... hindi pwede dahil kailangan mong masanay na wala ako."

"Roxy please..." nanghihinang sambit ko. "'Wag mo kong iwan."

"Ayaw din kitang iwan, June..." Inayos niya ang buhok ko, at inipit ang ilang sa gilid ng tainga ko. "God knows how much I wanted to stay, pero alam mo naman ang problema ko kay Lolo 'di ba?"

"D-dahil ba ro'n kaya ka aalis?"

Tumango siya.

"P-pa'no na ko?"

"Jacin's there for you now, kaya kampante na kong umalis. You have Pyxis too, and Sam and Alisson. You've got other friends now. Marami nang poprotekta sa'yo. You'll be fine."

"Roxy..."

"June, I'm sorry... I'm so sorry but I need to do this. It's time that I should do something for my family... At saka bibisita naman ako syempre! Hindi naman ako forever sa Greece, my gosh! Kapag bakasyon namin do'n, susubukan kong tumakas! Dito ako magbabakasyon! Kapag nandito ako, kahit sa bahay ka na namin tumira!"

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon