Chapter 32

1.6K 69 42
                                    


Chapter 32 - Cameos


"June wait!"

Alam kong mabilis tumakbo si Jacin kaya kailangan mas bilisan ko.

Ano ba kasing problema ko? Bakit ko siya tinatakbuhan? Dahil sa sinabi ni Roxy? Ako na rin ang nagsabi, hindi pa sigurado 'yon at maaring mali siya.

Pero bakit pa rin ako tumatakbo?

"AW!"

"AH!"

Napahawak ako sa ulo ko. Nakauntugan ko yata 'yong nabunggo ko.

"Tumingin ka naman sa tinatakbuhan mo, dude." sabi no'ng babae, nakahawak din sa ulo niya.

"S-sorry..."

"Palagi ka dapat nakatingin sa dinadaan mo, may tinatakasan ka man o wala." Bilin niya pa habang nai-iling-iling.

Tumango ako, "S-sorry ulit."

"Teka..." sabi niya, lumapit sa'kin ng bahagya at tumitig sa nameplate ko. "Velasco, Andrea June? Holy!" nanlaki ang mga mata niya, "You're... You're Luxford's representative! I saw your painting! Damn girl, you're amazing!"

Medyo natawa ako sa paraan ng pagsasalita niya. Ang cool.

"You're gonna win the NPC, I know it. Halata naman eh. The cave with a face silhouette stood out the most!"

"Uhm... t-thank you?" Nakita niya rin 'yong secret! Masyado ba kong naging halata?

"I'm Charlie by the way, student journalist." Inalis niya ang malaking itim na shades niya at inalok ang kamay sa'kin, na mabilis kong tinanggap."Here to cover the competition and I think I fell in love with your painting."

Nakatago ang buhok ni Charlie sa itim na cap, pero napakaganda niya pa rin.

Velarde, Charlotte. Ang nakalagay sa nameplate niya at may patch ng Saunder Academy sa opposite side ng nameplate niya. Gray naman ang coat at palda niya.

"Sa Saunder ka pala nag-aaral."

"Yeah, but don't tell anyone okay? If you have time please let me do an interview with you. This is my calling card."

Inabot ko ang maliit na card. "Okay."

Ngumiti siya na lalo nyang ikinaganda, "Anyway, it's nice meeting you. I'd still love to chit and chat but I have to go. I'm being hunted by a monster right now, have to move or else I'm dead."

Monster?

Ngumiti rin ako. "O-okay, sige."

Nag-salute pa siya bago tumalikod at tumakbo paalis.

Ang weird niya, pero sobrang cool.

Nakakailang hakbang palang ako nung may marinig naman akong parang may nag-aaway sa likod ko.


"Where the fuck are we?"

"I forgot."

"Lane for fuck's sake shut up!"

"Tinatanong mo ako! Sumasagot lang ako!"

"Tsk, we've been here several fucking times pero hindi ko pa rin maalala 'yong palabas."

"Mas malaki ba 'to sa Saunder?"

"Don't know... magkasing laki lang yata? Ginagamit kasi lahat ng buildings dito. Unlike sa'tin, madaming abandoned."

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon