Chapter 40

1.4K 58 25
                                    


Chapter 40 - Gift


Dinala ako nila Max at Jackson sa isang napakagara at napakalaking mansion. Hindi ko na inusisa pa ang disenyo at ganda nito dahil kabang-kaba ako habang pababa ng sasakyan.

Agad nila 'kong hinatak papasok sa malawak at magandang loob ng mansion. Hindi ko na matandaan ang mga pinto at hallway na dinaanan namin sapagkat ang dami kong naiisip habang tumatakbo kami. Pakiramdam ko, kung hindi kami magmamadali ay baka hindi na namin maabutan si Yuan.

Narating namin ang isang hallway kung saan nag-aabang sa labas ng isang pinto ang iba pang miyembro ng Polaris. Katulad ng dalawang kasama ko, napakaseryoso rin nila.

"He's inside." sabi ni Blue habang malungkot na nakatingin sa pinto. Tinalikuran niya kami pagkatapos, yumuko at nanginig ang mga balikat.

Umiiyak siya.

Napalunok ako.

Ayokong mag-isip ng negative. Ayokong mag-isip ng kahit ano dahil baka maiyak na rin ako.

Pinapasok nila ako sa loob kahit pa gusto ko muna sanang ipaliwanag nila sa'kin kung anong nangyari kay Yuan, para sana maihanda ko ang sarili ko. Pero wala na raw oras at baka mahuli na ang lahat.

Pinagbuksan ako ni JB ng pinto.

Ayos lang si Yuan, walang nangyaring masama sa kanya.

Kumbinsi ko pa sa sarili ko bago pumasok sa loob.

Sobrang dilim. Lampshade lang sa nightstand at ang bahagyang naka-awang na pinto ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Wala ring nakahiga sa king-sized bed. Nilibot ko ang paningin sa pailgid pero wala akong gaanong maaninag.

"Y-yuan?" tawag ko.

"June?" sagot ng boses ni Yuan.

Napalingon ako sa malaki at mahabang bintana, kung saan sa tingin ko nanggaling ang boses. Napaurong ako dahil may matangkad na aninong nakatayo sa gilid nito—at palapit na sa'kin ngayon.

Naaninag ko ang mukha niya, and I can tell he's frowning. "What are you doing here? How did you even get here?"

Hinawakan ko ang mukha niya, ang noo niya, at pisngi niya. Kinapa-kapa ko naman ang leeg, balikat at braso nya. "Okay ka lang ba?"

Tumango siya kaya nakahinga nang sobrang luwag. Napayuko pa ako at nauntog sa dibdib niya. Kanina pa pala ko nagpipigil ng hininga dahil sa kaba.

"Of course I'm okay..." Yuan says softly. nakita kong umangat ang kamay niya, akala ko hahawakan niya ang likod ng ulo ko o kaya ay balikat ko pero muling bumagsak ito sa gilid niya, nakakuyom.

Sabay kaming napalingon sa pinto nang bigla itong sumara ng malakas.

"Voici votre cadeau Yuan! Joyeux anniversaire!" There's your gift Yuan! Happy Birthday!

Pumunta si Yuan sa pinto at hinampas ito ng malakas. "Fuck you guys! Let us out! Let her out! 'Wag n'yo na siyang idamay dito!"

Tawanan lang ang narinig namin mula sa labas.

Iiling-iling na nilingon niya ako, "You shouldn't have come with them. Now you're stuck here with me."

"May sakit ka no'ng huli tayong nagkita, tapos ilang araw kang hindi pumasok kaya nag-alala ko nang sobra no'ng sinabi nilang kritikal ka daw kaya sumama agad ako sa kanila... a-akala ko kung napano ka na..." paliwanag ko.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon