Chapter 19

1.7K 67 46
                                    


Chapter 19 - Bull's Eye


Pinisil ko ng madiin ang magkabilang pisngi ko upang makasigurado na hindi ako nanaginip. Hindi ko mapaniwalaan ang mga nangyayari.

Hindi pumasok ang teacher ko sa last subject kaya maaga akong nakapunta sa library. Paglabas ko, naka-abang sa'kin ang napaka-gwapong si Aiden. Pinasakay niya ako sa pickup niya papunta sa sobrang laking mansion nila sa Galax Hills, at nag-bake kami ng X Kookies sa sobrang laking kitchen nila.

Ang gwapo niya lalo sa pink apron niya. Ang hirap niyang alisan ng tingin. Ang attractive talaga ng mga lalaking marunong sa kusina.

Kung may makakaagaw ng puso ko mula kay Jacin, baka si Aiden na 'yon.

Baka lang!

"This is really good!" sabi ni Hunter habang kumakain ng X Kookies.

Pumunta agad ang buong Pyxis dito nang malaman nilang magbe-bake kami ni Aiden. Malapit lang naman ang mga mansion nila dito, dahil lahat sila sa Pyxis ay sa Galax Hills nakatira.

Nasa garden kami ngayon sa gilid ng palasyo--este mansion na halos puro pink flowers ang mga nakatanim. Ang ganda rito, bukod sa mga bulaklak, napapalibutan din ng mga puno ang mansion.

"P-pwede ba kong magikot-ikot?" Lakas loob na tanong ko sa kanila.

"Go on." Nakangiting sagot ni Aiden.

"H-hindi ba ko maliligaw?"

"You might, actually. But don't worry, hahanapin ka naman namin."

"Jacin will go with you."

Natigilan si Jacin sa pagkain dahil sinabi ni Noah. Inubos niya ang X Kookies niya at saka tumayo. "Yeah."

Sinamahan niya akong maglakad-lakad. Langhap na langhap ko ang sweet chocolaty scent niya sumasabay pa sa preskong simoy ng hangin.

Gaano kaya kadaming pabango ang pinipisik niya sa katawan niya para maging ganito siya kabango?

Natigil ako sa pag-iisip dahil bumunggo ang mukha ko sa kung saan. Dahan dahan kong dinilat ang mata ko—na hindi ko napansin na napapikit na pala dahil sa sobrang bango ng nasa harap ko.

Bumunggo pala ako kay Jacin, sa napakabango niyang dibdib!

At sobrang lapit na pala namin sa isa't isa! Paano siya napunta sa harap ko? Katabi ko lang siyang naglalakad kanina!

Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa nagwawala ko na namang puso.

"Delikadong maglakad ng nakapikit. I'm sure you know that."

"S-sorry." Nauutal na sabi ko.

Nakahinga lang ako ng maayos pagtalikod niya.

Nasa bandang likod kami ng mansion. It's a huge green field, may naka-set up na dalawang football nets sa magkabilang dulo, at meron ding archery targets na nakatayo hindi kalayuan sa'min.

"Wanna try archery?" tanong ni Jacin.

Umiling ako. "Hindi ako marunong—"

Binigyan niya 'ko ng bow and arrows na nakuha niya sa storeroom. "Try. It's easy, watch me."

He places the arrow on the bow and the stands upright, pulls the arrow and string then lets it go.

Bull's eye!

Ang galing!

Nakita ko rin siya finally na gawin 'yon sa malapitan.

Madalas ko siyang pinapanuod sa mga competitions niya sa Target Archery noong middle school. Dumadayo pa kami ni Roxy sa iba't ibang lugar makapanood lang ng laban niya. Noon pa man, si Jacin na ang pambato namin sa Target Archery.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon