Chapter 5

1.6K 68 10
                                    


Chapter 5 - Pangako

Soundtrack: Pangako by Regine Velasquez


"Ang bango bango naman ng Jacin mo, bes!" sabi ni Roxy na napipikit-pikit pa, "Pigilan mo ko Bes, baka mahalikan ko siya ng 'di oras!"

"Bes naman," suway ko, "Umayos ka nga, baka magising siya."

Sumunod dito sa bahay namin si Roxy para daw may backup ako. May sariling kotse naman talaga siya e, pero minsan niya lang dinadala sa school, kapag hindi siya nahahaitd ni Tatay. Ginagamit niya lang 'yon sa mga gimik nya.

At ngayon, pinagtutulungan namin si Jacin na maipasok sa bahay. Sabi ko nga sa kanila na lang dalin si Jacin. Malaki ang mansion nila, maraming guests rooms at may matutulugan talaga si Jacin. Hindi tulad ng bahay namin na sakto lang para saming pamilya ang mga kwarto.

Binatukan ako malakas ni Roxy dahil sa suggestion ko, mas okay na raw na ako ang mag-uwi ng lalake kaysa siya.

Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na kami ng pinto.

Kailangan maghanda ako ng paliwanag kay Mama. Nandito din naman si Roxy para tulungan ako, hindi ako dapat kabahan.

May matutulugan naman sa bahay si Jacin dahil wala ang kapatid ko ngayon. Kasalukuyan itong nasa basketball camp at bukas pa ng gabi uuwi.

Ang tagal kong kumakatok pero walang nagbubukas, kaya kinuha ko na lang 'yung spare key ko sa bag. Ang dilim ng bahay at walang katao-tao. Medyo nawala tuloy ang kaba ko.

Nasan kaya si Mama?

Dinala namin sa kwarto ng kapatid ko si Jacin. Malinis naman sa kwarto si July, wala naman akong kailangang ayusin o linisin. Magiging komportable na roon si Jacin.

Dahan-dahan namin siyang binaba ni Roxy sa kama ni July. Tulog na tulog pa rin siya.

Lumabas kami ng kwarto nang maayos na si Jacin. Medyo pinagpawisan kami ni Roxy. Sabay pa kaming napatalon nang tumunog ang phone niya. Tinatawagan na siya ni Tatay. Sabay ulit kaming lumunok ni Bes bago niya sinagot ang tawag. Parehong nakadikit ang tainga namin sa phone niya.

"Hello Tito?"

<"Nasan na kayo ni June? Nandito na ko sa tapat ng bar.">

"Ah ano po Tito e, ang dami pa po naming kailangan gawin kaya po hinatid ko na lang siya dito sa inyo. Dala ko po 'yung car ko. Sorry po kung hindi ko kayo na-text agad."

<"Maayos naman ba kayong nakarating d'yan?">

"Opo, Tito. Ayos na ayos po."

<"Mabuti naman. Pwede bang pakausap ako kay June?">

Tumikhim ako. "H-hello Tay?" pinandilatan ako ni Roxy dahil nauutal ako. Tumikhim ako at inulit ang sinabi ko. "Hello, Tay?"

<"June anak, hindi na ako dadaan d'yan sa bahay dahil nakauwi ka na pala. Sumaglit lang ako para sana ihatid ka, naihatid ka na pala ni Roxy. Uumagahin kasi ang pagtitipon ng mga Ventura kaya kailangang kong bumalik at manatili roon.>

"Sige po Tay, sasabihin ko kay Nanay."

<"Ang Nanay mo nga pala, hindi rin makakuwi ngayon d'yan.">

"P-PO?!" Napasigaw talaga ko at kinabahan ng sobra, si Roxy naman nanlaki ang mga mata. "B-bakit naman po?"

<"Nagka-problema sa basketball camp ang kapatid mo, kailangan siyang sunduin ng Nanay mo, bukas pa din sila makakauwi, kaya ikaw lang muna mag-isa sa bahay ngayon anak. Pasensya na.">

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon