Chapter 51

1.6K 61 36
                                    


Chapter 51

Soundtrack: Take Me To You by GOT7


"June! Nagbaon ka ba ng lunch?" tanong ni Kyla, nakatingin sa paper bag na bitbit ko.

Inunahan akong sumagot ni Ron, nakataas pa ang isang kilay. "Why are you asking? Makikikain ka na naman?"

"Oo! Bakit? May masama ba ro'n? Wala naman 'di ba June?" naka-puppy eyes na tanong ulit ni Kyla.

Natawa tuloy ako. "Oo naman."

Hinampas niya ng malakas si Ron, "Kunwari ka pa d'yan, nakikikain ka rin naman ah! Ikaw din Yuan!" dinuro at sinamaan niya ng tingin ang katabi ko. "Kaya 'wag kang tumawa-tawa diyan!"

Tinaas ni Yuan ang dalawang kamay niya. "Guilty."

Minsan kasi akong ginawan ng lunch ni nanay para ibaon sa school. Tumikim si Kyla and she became teary-eyed in an instant. First time niya raw kasing makatikim ng gano'ng kasarap na pagkain. Na-curious si Ron kaya tumikhim din siya, he was speechless for a moment bago tumango-tango at nag-thumbs up. Pinatikim ko rin si Yuan dahil mukhang na-curious din siya, at nagustuhan niya rin ang luto ni nanay. Simula no'n, araw-araw na akong nagbabaon ng lunch. At dinadamihan na ni nanay ang hinahanda niya para magkasya sa'ming apat.

"Buti na lang hindi ka makakasabay sa'min ngayon, ako na lang ang kukuha ng portion mo." Kyla says to Yuan cheerfully.

Hindi makakasabay sa'min si Yuan ngayon dahil Polaris ang kasama niyang magla-lunch. Once a week, binibisita siya ng Polaris dito sa Luxford, kaya once a week din na hindi namin siya nakakasabay mag-lunch.

Yuan smirks, "Not gonna happen. I'll reserve it for later."

Sabay kaming natawa ni Ron.

"What?! 'Wag na! Hindi na masarap 'yon mamaya! Akin na lang!" Kyla demands while pouting.

"Don't give it to her." Kunwaring bulong sa'kin ni Yuan, bago sumakay sa kotse niya para puntahan ang Polaris.

"How do I unfriend him?" bagsak ang balikat at disappointed na tanong ni Kyla.

"We can't." natatawang sagot ko.

Pagpasok namin sa cafeteria ay agad kaming binati ng mga estudyanteng naroon.

"These are for you three." Jennica says habang inaabutan kami ng pagkain. "They're all healthy, pampalakas ng stamina at energy."

"Why, thank you!" tuwang-tuwa na saad ni Kyla.

Ron smiles appreciatively, "Come on you guys, we're not MVPs yet, si Kyla pa lang. But thanks."

Ngumiti rin ako. "He's right, but thank you so much."

"Not MVPs yet. But you will soon be for sure!"

"It sucks to expect but we're expecting a lot from you guys!"

"Go Hawks!"

My heart feels warm again. Nakaka-inspire at nakakagana maglaro dahil ramdam naming mga players ang suporta ng buong school. Friendly matches lang naman ang games namin nitong nakaraan, pero parang championship na dahil sa overwhelming support nila.

Dinamihan ko ang kain para sa training mamaya. Nang makuntento kaming tatlo sa lunch, we head back to the gymnasium.

Oras na ulit ng training.


~*~


Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon