Chapter 29

1.6K 72 37
                                    


Chapter 29 - Sana 3.0


"Congratulations Ms. Velasco, your painting is now the school's official entry for our most awaited National Painting Competition and I must say... I'm beyond impressed with your painting. I wouldn't wonder why it got the highest votes. Let's all give her a round of applause."

Kanina pa paulit-ulit sa utak ko ang mga salitang 'yan.

Hindi ako makapaniwala.

Ako.

Ang painting ko ang official entry ng Luxford!

Gusto kong maiyak.

Pangarap ko lang 'to dati... Gusto kong magpabatok kay Roxy para malaman ko kung nanaginip lang ba ako, pero pinigil ko ang sarili ko dahil siguradong masakit 'yon at ayoko nang madagdagan ang bukol ko.

Ayos na ang isang bukol sa noo ko.

Na nakuha dahil kay Jacin.

Ang istrikto niya! Nitong nakaraang linggo walang kaming ginawa kundi mag-review at mag-aral. Nadagdagan pa ngaang sangkatutak na reviewer na binigay niya!

Tapos gugulatin niya pa ko at bigla-bigla na lang magtatanong na kailangan masagot kong tama, dahil kung hindi ay pipitikin niya ako sa noo.

Ang lakas pa ng tawa niya tuwing pipitikin ako, ang dalas ko pa namang magkamali!

Ang laki na tuloy nang bukol ko.

Meron lang ako ngayong dalawang pulang band-aid na naka-cross sa noo ko (na si Jacin din ang nagbigay) para matakpan ang bukol.

Lalo tuloy kaming pinagtitinginan ng mga estudyante at ang malala, pinagtatawanan na rin nila ko.

Si Roxy sa halip na ipagtanggol ako, tinawanan lang din ako.

Ang sama talaga nilang dalawa sa'kin!

Friday ngayon, kasama ko silang dalawa habang naglalakad sa corridor. May hawak akong dalawang papel sa kamay ko—summarized reviewer na si Jacin mismo ang may gawa. Alam niya siguro na mas gaganahan ako kapag mismong handwriting niya ang binabasa ko.

Maayos ang handwriting niya, at sa totoo lang mas naiintindihan ko talaga. Mas ginaganahan din akong mag-aral... mas nakaka-inspire.

Itatago ko 'tong reviewer bilang remembrance.

Nag-announce sa buong school kanina, na ang painting ko na nga talaga ang official entry ng Luxford, medyo naurong lang ang excitement ko dahil nausog ang date ng National Painting Competition. Sa halip kasi na ngayong week, na-move ito for next week. Muntik pang masabay sa araw ng exams! Wednesday ang NPC day, while Thursday at Friday ang exams.

Nagulat pa nga ako dahil isa din pala si Sam sa mga napiling mag-submit nang paintings! Pangatlo ang kanya sa nakakuha ng pinakamaraming votes, at talagang ang ganda ng painting niya kaya hindi ko talaga inakala na ang painting ko ang mapipili.

"Congratulations, June! You're artwork is so freaking great. I knew it was your work the moment I saw the falls. Ang galing mo pala talaga! Madalas kang mabanggit sakin ng mga art teachers ko. They even showed me some of your work and they're all freaking amazing!" nilapit nya ang mukha sa tainga ko saka bumulong, "And also because Jacin told me. He brags about you, you know."

Hindi ko napigilan ang mga pisngi ko na mag-init dahil sa sinabi nya. Kumindat pa si Sam at saka ngumiti... na agad nawala nang mapatingin siya kay Ayu. Isa rin kasi si Ayu sa pitong mga napili na mag-submit ng artwork.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon