Epilogue

2.1K 73 105
                                    


Epilogue

Soundtracks: 

I know, Beautiful, Euphoria by Jeon Jungkook


"Sing for you say I love you, tell you that I love you too. I'll sing with all my heart if you can tell me you can hear my voice."

Huminto ako sa paglalakad. Tumingin ako sa kanang kamay kong nakasalikop sa kaliwang kamay niya. Suot ko ang shell bracelet na ginawa niya sa'kin noong unang beses na pumunta kami rito. His palm is both soft and firm. It feels so warm and so perfect in mine. Ayokong magtunog corny, but it's as if his are made to hold mine.

Nahinto rin tuloy siya sa pagkanta at nagtatanong akong tiningnan.

Ngumiti lang ako at umiling. Sumandal ako sa balikat niya, patunay na tumangkad talaga ko. Nakakasandal na ko sa balikat niya kahit nakatayo kami. Hindi ko abot 'yon dati.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nagpatuloy din siya sa pagkanta.

"Know you love me girl so that I love you..." he trails off.

Nakangiting kong pinapatuloy ang kanta. "Know you love me boy so that I love you...." Sa dalas niyang kantahin sakin 'to, nakabisa ko na rin ang lyrics.

"For three years, thank you for being by my side. Know you love me girl so that I love you. Know you love me boy so that I love you. Always, I will be there for you, don't worry about a thing my love."

Ang sarap sa pakiramdam na hawak mo ang kamay ng taong mahal mo, at mahal ka rin niya, habang kinakantahan ka ng magandang boses niya. 

Humalik ang tubig sa aming paa, kasabay nang paghalik ni Jacin sa noo ko matapos siyang kumanta. 

I find myself staring at him again, na-miss kong titigan ang gwapo mukha niya, lalo na ang magagandang mga mata niya. 

Jacin looks so handsome. Palagi naman. Sa suot niyang white buttoned down long sleeves na medyo maluwang, bukas pa ang ilang butones sa unahan—nagpapakita na naman ng dibdib—at white pants na medyo maluwang din, nakatupi ito hanggang binti niya para hindi mabasa. Hindi siya naka-Timberlands ngayon, dahil parehas kaming walang suot sa paa. Ako naman naka-white din na beach dress, two inches above the knee ang haba. Bigay sakin ni Roxy, gusto no'n palagi ako nagpapakita ng legs eh.

Pangalawang araw na namin ni Jacin dito sa Hope Island, sobrang namiss ko talaga ang lugar. Ang tagal din bago ako—kami nakabalik. Wala nga kaming ginawa kahapon kundi magbabad dito sa beach. Na-miss yata ni Jacin magpunta sa dagat dahil para siyang batang nagtatampisaw kahapon. Puro aral at archery yata ang inatupag niya sa England.

Mukhang na-miss din talaga siya ng Pyxis, dahil siya ang pinagt-trip-an at binu-bully nila.


Habang naglalakad ay nadaanan namin ni Jacin ang cave ng Hope Island. Matagal kaming nakatitig dito, admiring its every angle.

"This cave reminds me of you Andrea June. Beautiful outside but so much more beautiful inside." pinisil niya ang kamay ko. "Wanna go in?"

I nod and we go in. Kumpara noong una akong pumasok dito, hindi na ako gaanong natatakot ngayon kahit napakadilim. Alam ko naman na hindi ako papabayaan ni Jacin. Alam ko na rin, na walang multo o masamang elemento ang naghihintay sa dulo nito, tanging napakagandang rock formations lang. Kung meron man, Jacin will fight them off for me.

"You asked me before kung naniniwala ako sa legend ng cave?" Jacin asks nang marating namin ang napakagandang hangganan ng kweba. We are both using our phones as our flashlights. "I do. I think the legend depends on us and our choices. I'm glad our choices led us here. We never really became apart. I spent the two years in England with you in my heart and mind."

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon