Chapter 6

1.5K 71 9
                                    


Chapter 6 - Sana


Nagising ako dahil sa maingay na alarm ng cellphone ko. Ilang beses akong naghikab bago ko tumayo upang basain ulit ng malamig na tubig ang bimpo sa noo ni Jacin.

Pipikit pikit akong bumangon at umupo sa tabi niya.

"Good morning Jacin, maliwanag na... gising ka na." sabi ko habang nakangiti, "Tulungan mo kong magpaliwanag kapag naabutan ka nila Nanay o kaya ni Tatay ha?"

Inayos ko ang buhok niyang medyo nagulo nang alisin ko ang bimpo—dahil basa at malamig ito, medyo nabasa din ang buhok niya.

"Gising na, sigurado hinahanap ka na nang pamilya at mga kaibigan mo. Siguradong nag-aalala na sila."

Pinalipit ko ang bimpo, nang ibalik ko ang tingin kay Jacin, gising na siya.

Nakabukas ang bintana ng kwarto kaya pumapasok ang sinag ng araw na tumatama sa maamo niyang mukha. Lalong nagliwanag ang mukha niya, at lalo siyang gumwapo.

Hindi ko maalis ang tingin kay Jacin. Hindi ko kaya.

"You again?" Bumangon siya, sapo ang ulo, "Where the hell am I? What am I doing here? What did you do to me?"

"Ipapaliwanag ko—"

Sunod niyang sinapo ang bibig niya kasabay ng paglobo ng mga pisngi niya.

Muntik pa siyang mabuwal nang umalis siya sa kama. Umalalay ako agad, pinalupot ko ang mga braso ko sa bewang niya dahil parang mabubuwal siya anumang oras.

Binatawan ko lang siya nang makapasok kami sa CR. Halos isang oras kami doon dahil suka siya ng suka. Hindi ko tinigilan ang paghagod ng likod niya nang makaginhawa siya kahit papano. Hinang-hina ang itsura niya nang matapos siya, kaya inalalayan ko ulit siya papuntang sala.

"Nagugutom ka ba? Pwede kitang ipagluto."

Umiling siya, "No need."

"Kape? It may help you to sober up."

"I'm fine." Jacin answers weakly.

"Nilalagnat ka kagabi, kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot."

"I'm fine." Nakakunot ang noo niyang tumingin sa paligid, "Why the hell am I here?"

Pinaliwanag ko sa kanya lahat nang nangyari kagabi.

"My car, where is it?"

"Nasa garahe." Inuuwi kasi ni Tatay 'yung kotse ng mga Velasco kaya may garahe kami. "Ayun 'yung phone mo." Tinuro ko sa kanya 'yung naka-charge na iPhone, nanghiram pa ko ng charger kay Bes dahil wala namang may iPhone dito sa bahay e. Kalahati na nang tuition ko ang presyo noon, e!

Inalis ito ang iPone mula sa charger nito, at oras na buksan niya ay kaagad itong tumunog.

Hindi siya naka-loudspeaker pero naririnig ko pa rin ang sigaw nang nasa kabilang linya.

<"Finally! For pete's sake, Jacin Mendes where the fuck are you?! We've been looking everywhere! Bakit ka umalis ng bar?!">

Bahagyang nilayo ni Jacin ang phone niya sa tainga niya, "Dude calm down, you're not my mother."

<"Your mother's been worried sick too, you ass! Even your Dad! All of us! Buong gabi ka namin hinanap! Nasaan ka ba?!">

"Miles, I'm fine. Calm down." Mula sa labas, lumipat sa'kin ang tingin ni Jacin, "Where exactly is this place?"

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon