Chapter 8

1.7K 71 13
                                    


Chapter 8 - Infirmary


Isang buong linggong hindi nagpakita si Jacin. Araw-araw pumupunta ako sa Pyxie Point para ibalik sa kanya ang susi at coat niya, pero ni anino niya hindi ko nakita. Ipapabigay ko na lang dapat kay Miles dahil nahihiya akong magpabalik-balik sa tambayan nila, ang kaso ayaw niyang tanggapin. Gusto niyang ako mismo ang magbalik ng susi kay Jacin

Isang linggo na ring hindi nagagalaw sa parking space ang Lamborghini ni Jacin. Ang sabi sa'kin ni Hunter, wala naman daw sakit si Jacin, tinatamad lang daw talaga itong pumasok at hindi nila alam kung kailan sisipagin.

Ang buong akala ko noong una, nakakatakot ang Pyxis. Pero ang friendly nilang lahat sakin! Palagi nila kong kinakausap tuwing hinihintay ko si Jacin. Para siguro hindi ako mainip.

Nalulungkot tuloy ako.

Dahil pa rin ba kay Ayu?

Gusto ko nang makita si Jacin.

Wala naman akong lakas ng loob para i-text at kamustahin siya. Wala pa kong tinetext na kahit sino sa Pyxis dahil hindi naman ako ginugulo ni Ayu. Pero kung dati nilalampasan niya lang ko ng tingin na para bang hindi ako nag-e-exist, ngayon tinitingnan niya na ko... ng masama.

Na ipinagtaka ng husto ni Roxy. "Problema ng bruhang 'yon? Bakit ang sama ng tingin sa'yo?"

Sinabi ko kay Roxy ang lahat ng nangyari sa Pyxie Point. Buti nga hindi niya ko binatukan kahit sobrang saya niya nang malaman niyang may number ako ng buong Pyxis.

Pinasadahan niya lang 'yong mga number pero hindi nya kinuha. Takot din naman daw siyang itext ang ang Pyxis. Sabi ko nga kahit 'yung kay Tyler na lang angi kunin nya pero tumanggi pa rin si Roxy kaya hindi na ko nagpumilit.

Ang cute nga ng mga pangalan na binigay sa kanila ni Miles e, may kasama pang emoji!


Aiden 🍕
Noah 😎
Hunter 😂
Ice 😪
Tyler 👽
Millie 💪
Jace ❤


Papunta akong classroom ni Jacin ngayon, baka sakaling pumasok na siya. Hindi na ko nagpasama kay Roxy dahil ilang room lang naman ang pagitan nila sa room namin. Nanggaling na ako sa Pyxie Point kanina pero si Ice lang ang naabutan ko, na nakahiga ulit sa billiard table.

Sumilip ako sa nakabukas na pinto ng classroom ni Jacin. Natatakot akong makita si Ayu dahil baka samaan niya na naman ako ng tingin.

"Jacin!" sigaw ko dahil sa sobrang tuwa.

Nandito na siya! Si Super Crush Jacin! Pumasok na!

Kahit na nag-iba ang kulay ng buhok niya, alam na alam kong siya pa rin 'yon! Dating dark red na wavy ang buhok niya, na parang binibigyan niya talaga ng oras para ayusin? Ngayon kulay black na ang buhok niya at simpleng nakabagsak na lang.

Medyo nagmukha siyang bata, at lalo siyang naging gwapo!

Ang lakas ng tibok ng puso dahil sa sobrang tuwa.

Nakatingin siya sa labas ng bintana at naka-airpods kaya hindi niya narinig ang pagsigaw ko, pero 'yung mga classmates niya napatingin sa'kin.

Kahit nandito ako sa pinto, amoy na amoy ko pa rin ang pabango niya!

Isang linggo ko rin siyang hindi nakita. Namiss ko siya ng sobra.

Hindi naman kasi pala-absent si Jacin. Araw-araw ko siyang nakikita dahil araw-araw, napapadaan siya sa room namin. Kapag nakakaligtaan ko ang pagdaan niya, hahanapin naman namin siya ni Roxy.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon