Paaakkk 01

75.8K 2.3K 780
                                    


• FITA'S POV •





So ayun na nga ang nangyari!


Ikinasal si Mudra sa bagong gwapo kong magiging Pudra!
Beach wedding ang naganap. And alam nyo na, ginawa akong flower girl ni Mudra. Ako yung nagsaboy ng petals ng mga roses sa red carpet na kemerut na iyon.

At first hindi ko talaga matanggap! Bigla bigla nalang magpapakasal si mudrabells sa lalaking ngayon ko lang nakita! Mabuti sana kung kami ni Fafa Ark ang ikakasal, matutuwa pa ako! Ahaha! Charrr.

Pero ayun nga, syempre may deep inside conversation kaming ginawa ni Mudra about sa pagpapakasal nya kay Fafa Ark.

Fafa Ark talaga? Ahaha!
Eh baket ba?
Magiging Papa ko na naman sya eh! Kaya Fafa Ark na ang tawag ko sa kaniya!


To continue my sayings, ayun na nga, nag-usap na kami ni Mudra. Sabi nya nabighani daw sa kagandahan nya si Fafa Ark, at simula noon madalas na daw itong pumunta sa night club kung saan sya nagtatrabaho. Well, talaga namang maganda si Mudra! Mukha nga lang kaming magkapatid eh!


And of course?
Saan pa ba ako magmamana? Beautiful gorgeous din ako tulad nya!

Pang Miss U ang ganda namin ni Mudra. Taob si Pia Wurtzback! Ayy wait?
Tama ba spelling ko?

Ahahaha!



Bakasyonista daw si Fafa Ark sa Isla namin, may business meeting lang daw silang ginawa sa Isla, ito daw ang napili nilang lugar dahil sa ganda nito. Sakto namang napadpad si Fafa Ark sa night club kung saan nagtatrabaho si Mudra at doon na daw sila nagkakilala.
Isang linggo daw niligawan ni Fafa Ark si Mudra bago sya sagutin nito. And after nun! Nag-propose na agad si Fafa Ark!


Kaloka ang love story nila! Dinaig pa ang maharot na kumanta ng Isang Linggong Pag-ibig. Ahaha! Charoot.


Dahil mahigit limang taon ng patay si Pudra the original, eh siguro panahon na para muling umibig si Mudra. Kahit mahirap ito, kailangan kong pumayag dahil kitang kita ko kung gaano kasaya si Mudra sa twing kasama nya si Fafa Ark.




"We're here." Sabi ni Fafa Ark then he turned off the machine of the car.


So nandito na pala kami?
Sa bahay nya, kung saan kami titira ni Mudra.


Sinilip ko ang bahay nya mula sa bintana ng car. Halos lumuwa yung mata ko sa nakita ko!


Oh really?
Seriously?
Absolutely?
Bahay nya to?!


Nakakaloka mga besss!
Ang laki! Ang ganda!
Parang palasyo!
Goooshh! Totoong ngang mayaman itong si Fafa Ark!

Ohmyy! So meaning? Magbubuhay Reyna at Prinsesa na kami ni Mudra sa palasyong ito ni Fafa Ark!


Ihhhh! This is what I am dreaming of! Ang tumira sa ganito kaganda at kalaking bahay. Akala ko sa panaginip nalang mangyayari ang lahat ng ito, but look! It is happening now!



"Nak! Baka pasukan ng langaw yang bibig mo!" Sabi ni Mudra at sya na ang nagsara sa naka-nga nga kong bibig!


"Maganda ba?" Nakangiting tanong ni Fafa Ark!

Bigla akong nakaramdaman ng hiya! Kaloka! Nakita nya akong naka-nganga!


"Ahm. O-opo Ti-Tito. Maganda po." Sagot ko.

Tito daw ang itawag ko sa kanya sabi ni Mudra!


"Simula ngayon, diyan na kayo titira kasama ako..." Nakangiting sabi nya. "At ng mga anak ko." Pahabol nya pa!

My Four Homophobic StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon