Paaakkk 66

24.2K 986 108
                                    





• FITA'S POV •



"Ngayon, sabihin nyo sa akin ang dahilan. Bakit kayo nagsapakang dalawa?!" Kompronta ni Mudrabells kina Ethan at Kuya Axe!

Nasa sala kami ngayon ni mudra, Kuya Axe at Ethan. Nakaupo kami sa sofa at talaga namang walang humpay sa pagkabog yung flat kong boobs sa sobrang kaba! Juskooo!
Huwag sana nilang sabihin kay mudra na ako ang dahilan ng suntukan nilang dalawa! Noooo.



"Dahil sa isang tao Tita." Sagot ni Ethan! Juskooo! Ayan na!


"Sa akin dapat sya sasama but suddenly Ethan came and ruined everything!" Singhal ni Kuya Axe.


"At ako pa talaga ang pinalabas mong mali. Nice bro. Ikaw nga itong namimilit sa tao, kahit ayaw naman nitong sumama sayo!" Ganti naman ni Ethan.

At para na namang may kuryenteng lumalabas sa mga mata nila habang nakatingin sila sa isa't isa!


"Hep! Hep! Hep! Kalma! Kumalma kayog dalawa! Mga batang to, napakaiinit ng mga ulo!" Kuda ni mudra. "Mukhang alam ko na ang dahilan ng away nyo, nagsuntukan kayo dahil sa isang babae?! Tama ba?!"

Sabay na tumingin sina Kuya Axe at Ethan kay Mudra at tumango silang dalawa.


"Sino ba yang babaeng yan? Napakahaba naman yata ng buhok nya. Nagsapakan kayong dalawa dahil lang sa kanya, ibang klase." Sabi ulit ni mudra.

Sabay na tumingin sina Kuya Axe at Ethan sa akin! Kaya napatingin na rin si mudra! Juskoooo! I can't breath!



"I can do everything for her. Huwag lang syang mapunta sa iba." Kuda ni Kuya Axe! Hindi ko kinaya yung "HER" bigla nyang binago yung pronoun nya sa akin. Megeed.


"Same here." Matigas ding sabi ni Ethan.


"Ayy! Nako. Walang problema sa akin kung ma in love kayo sa isang babae, pero ayokong mauulit yung nangyari kanina! Huwag na huwag na kayong magsasakitang dalawa! Hindi nyo dapat daanin sa dahas yang nararamdaman nyo, dapat daanin nyo sa effort at patunayan nyo dyan sa babaeng yan kung sino sa inyong dalawa ang karapat dapat na piliin nya. Naiintindihan nyo ba?!" Sermon naman ni mudra.


"Yes, Tita." Sagot ni Kuya Axe.


"I'll keep that on my mind." Dagdag naman ni Ethan.


"Sige na. Magpahinga na kayo. Ini- stress nyo akong dalawa. Kailangan ko na ring magpahinga, pati itong si baby naiistress sa inyo." Ani mudra sabay himas sa tiyan nya.

Naglakad na sya papunta sa kwarto nila ni Fafa Ark at mukhang naistress nga si mudra dahil sa dalawang to.
Pero mabuti nalang hindi sinabi ng dalawang to na ako yung dahilan ng warla nila, baka kasi kung sinabi nila iyon kay mudra, ayyy nakoooooo.



"Ayan ha. Makinig kayo kay nanay, huwag na kayong mag-aaway na dalawa. Dahil kapag inulit nyo pa yun, wala na akong papansin ni isa man sa inyo." Kuda ko sa dalawang to.


"Don't say that to me Fita, you know me hindi ako ang klase ng tao na basagulero, just say it to your stepbrother." Sagot ni Ethan.


"Fvck! Anong gusto mong palabasin na ako ang may kasalan ha?!" Gigil na sabi ni Kuya Axe.


"Oh! Tama na! Kakasabi ko lang eh!" Saway ko sa mga ito.


"I think, I should go now. Kita nalang tayo bukas." Saad ni Ethan sabay tayó sa pagkakaupo nya sa sofa.

"Great idea! Just go now!" Pag-eksena naman ng halimaw na to.


"Bye Fita." Paalam ni Ethan.


My Four Homophobic StepbrothersUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum