Paaakkk 67

27.4K 994 140
                                    








• FITA'S POV •







"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko kay Kuya Axe dahil bigla nalang nya akong hinila habang papunta ako sa school cafeteria! Nasa loob na kami ng kotse nya ngayon habang mabilis nyang minamaneho ang kotse nya. Ganun.

"Malalaman mo mamaya. Maghintay ka lang." Nakangisi nyang sagot.

Bigla tuloy akong kinabahan.
Ayoko pa namang makakakita ng ganong ngisi na para bang may maitim at dugyot na plano sa akin ang halimaw na to!

"Woy! Parang hindi ko gusto yang ngisi mo na yan. Saan mo ba ako dadalhin!" Sabi ko pa.

"Dadalhin kita sa lugar kung saan nababagay ang isang tulad mo. I'm sure you'll like that place." Nakangiti nyang sagot.

Anooo daw?
Sa lugar kung saan ako nababagay?!
Saan naman kaya yun?! Saan ba ako nababagay? Kalokang halimaw to, may pa-hula hoop kemerut chenes pang nalalaman.




Isang saglit lang, hininto na ng halimaw na to ang sasakyan nya.
Tapos nagtaka ako nang bigla syang may kinuhang panyo.

"Iba-blind fold kita. Para surprise." Nakangiti nyang sabi.

"Nako Kuya wah! May paandar kapang ganiyan. Kapag ako hindi na-surprise ayyy nako talaga." Sagot ko.

"Shut up. Just do what I say." Singhal nya at mabilis nyang tinali ang panyong iyon sa mata ko. Ayan! Brownout na mga besshy! Wala na akong makita! Rwwwr.


Inalalayan ako ng halimaw na to palabas ng kotse nya at nagsimula na kaming maglakad. Marami akong naririnig na ingay sa paligid at feeling ko ang dami daming tao ngayon ang nakakalat. Kaya parang bigla akong kinabahan.

"Kuya! Ano? Hindi mo pa ba tatanggalin yung piring ko?" Tanong ko.

"Hindi pa. Maghintay ka. Wala pa tayo sa loob." Sagot nya at nagpatuloy kami sa paglalakad.



Makalipas ang ilang minutong paglalakad, nardaman ko nalang na huminto na ang halimaw na to. "We're here." Aniya at dahan dahan nyang inalis ang pagkakabuhol ng tali ng panyo sa mata ko.

Bigla akong na-tense.
Parang ayaw ko pang dumilat.
Kinakabahan ako sa makikita ko.
Ano kaya? Saan kaya ako dinala ng halimaw na to?!

"Open your eyes." Utos ni Kuya Axe. Kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko.


May naaninag akong kulay blue na ewan. Medyo malabo pa yung nakikita ko dahil sa tagal ng pagkaka-blind fold ko. Ayannnn. Medyo lumilinaw na....


"Wow!" Ang nasabi ko nang malinaw ko ng makita ang lugar kung nasaan kami ngayon.

"I told you, dadalhin kita sa lugar kung saan ka nababagay. Sabi mo sirena ka diba? So I brought you here." Nakangiting sabi ng halimaw na to.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid! Mygaaaddd!
Oo! Tama ang halimaw na to!
Dito nga ako nababagay!
Dito nga nababagay ang dyosang sirenang gaya ko. Ahahaha.

"Ang ganda dito Kuya. Para talaga tayong nasa ilalim ng ocean." Kuda ko. Nardaman ko nalang na inakbayan ako ni Kuya Axe.

"This is the Manila Ocean Park. This is my second time of being here, at masaya ako na sa pangalawang pagkakataon ko na pagpunta dito. Ikaw na ngayon ang kasama ko." Saad nya habang nakatingin sya sa mga mata ko.

"Bakit sino ba yung huli mong kasama nung unang punta mo dito?" Tanong ko.

"Uhm. My ex." Sagot nya.

My Four Homophobic StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon