Paaakkk 26

36K 1.4K 288
                                    

• FITA'S POV •





After one week, dumating na yung araw ng exam ko sa Zarvard.



Wala.
Sabog pa rin ako mga besh!
Isang linggo na ang lumipas after kong malaman na may girlfriend na pala si Ethan eh parang fresh na fresh pa rin yung sakit dito sa puso kong basag.


Hindi ko pa rin matanggap!
At sobrang hirap mag move on!


Tumatawag at nagtetext sa akin si Ethan nitomg mga nakaraang araw, pero hindi ko sya sinasagot at nire-replyan.
Gusto ko ng mang move on!
Kaya kailangan ko munang iwasan si Ethan!
I need space!
I need fresh air!
I need food!
Ahahaha!



Nakakagutom kayang mag-drama noh!
Kakain muna ako sa baba.



Mabilis akong rumampa papunta sa dining area, at nadatnan ko dun sina Ate Mimu, Lily at Deedee.





"Hello Sir!" Masayang pagbati nilang tatlo sa akin.


Gosshh!
Wala talaga akong energy na replayan sila ng HELLO TOO!!!
I'm hungry,
I'm broken,
I'm out of my mind.
In short, lutang ako! Rwwwr.



Dire-diretso lang ako papunta sa ref para kumuha ng makakakain.


"Sir? Ayos ka lang po ba?" Tanong ni Ate Mimi.


"Okay lang ako Ate." Pilit komg sagot.


Kaloka!
Bakit ba tayo ganito mga bessh!
Kahit hindi tayo okay, sasabihin pa din natin sa iba na okay tayo kahit na basag na basag na tayo!


"Parang hindi naman Sir. Pansin namin, halos isang linggo ka ng malungkot. Wala na yung pagiging masayahin nyo." Kuda ni Ate Lily! Ethchoserang to.

"Oo nga Sir. May problema ka po ba?" Dagdag pa ni Ate Deedee.


Hindi ko alam, pero bigla nalang nag-water falls ang mata ko!
Naiyak na ako mga bessh!


"Ayoko na! Gusto ko ng makalimot! Huhuhu." Naiiyak na kuda ko sa kanila.


Mabilis akong nilapitan nila Ate at niyakap nilang akong tatlo.


"Sir ano po bang problema?" Tanong ulit ni Ate Lily.

"Si Ethan! Si Ethan! Si Ethan!" Umiiyak pa din na sabi ko.

"Ano po? Ano pong meron kay Ethan?" Naguguluhang tanong ni Ate Deedee.

"Meron...meron na syang girlfriend! May girlfriend na pala sya!" Sagot ko in crying way pa rin.

"Sir? Sinong Ethan? Yung lalaking bisita nyo nung nakaraan?" Tanong ni Ate Mimi.


"Oo sya nga! Sya nga yun! May girlfriend na sya!" Sagot ko. Iyak pa rin.


"May gusto ka sa kanya Sir? kaya ka umiiyak ngayon dahil nasaktan ka?" Tanong ni Ate Deedee.


"Oo! Gusto ko sya! Oo! Nasasaktan ako! Oo! Oo! Oo! Sobrang sakit!" Sagot ko.

"Tahan na Sir. Wala naman pong forever. Maghihiwalay din sila ng girlfriend nya." Kuda ni Ate Lily.

"Wala ngang forever! Pero mukhang silang dalawa ang magpapatunay na meron nun! Huhuhuhu!" Sagot ko.



"Aha! Sabi ko na! May gusto ka talaga kay Ethan!" Biglang singit ng isang boses!


Paglingon ko sa may pinto, nakita ko dun si Kuya Ace.


My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now