Paaakkk 63

26.1K 989 174
                                    


• FITA'S POV •



Nasa garden ako ngayon.
Nakaupo ako dito sa gilid ng fountain. Nagmumuni-muni. Ganun!
Mag-aalas nuebe na nga ng gabi.

Napatingin ako sa puno na nasa tapat ko ngayon, bigla kong naalala yung moment na iginapos ako ng apat na halimaw na yun dun mismo sa puno na yun! Tapos biglang dumating si Ethan at sya ang nagpakawala sa akin noon.

Nakakalokang isipin na ganun nalang kabilis magbago ng tadhana. Kung nung una, diring diri at galit na galit sa akin ang apat na halimaw na yun, ngayon ang sakit sa bangs na isipin na nagkagusto pa sila sa akin! Mygaad.

Diba? Nakakaloka?!
Tapos yung Axe na yun! Sya! Sya yung pinaka namumuhi sa akin noon, tapos ngayon daig nya pa ang boyfriend sa pagiging possessive!



"Anong iniisip mo? Mukhang ang lalim ha?" Biglang tanong ng kung sinong nilalang! Kaya mabilis akong lumingon sa likuran ko at nakita ko dun si Kuya Air!

Awwww!
Ang gwapoooo.



Naglakad sya palapit sa akin, at umupo sya sa tabi ko.



"Uhm. Wa-wala. Wala naman akong iniisip. Tsaka hindi ako malalim mag-isip. Haha!" Sagot ko.


"Ikaw talaga." Sabe nya sabay kurot sa pisngi ko. Awwww. Ahaha. "Uhm. Fita? May I ask you something?" Tanong nya.


"Oo naman Kuya. Ano ba yun?"


"Anong meron sa inyo ni Kuya Axe?" Tanong nyaaaa!

Anooo dawww???


"Ha? Sa amin? Wala. Wala naman." Tugon ko.


"Wala? Talaga? Eh Bakit feeling ko may something sa inyong dalawa." Kuda nya! "Kayo na ba?!" Tanong nya pa!!!


"Ha?!!! Anong kami na?! Hindi no. Ano ba yang iniisip mo Kuya! Kaloka ka."



"So hindi kayo? Walang kayo?" Tanong nya ulit.


"Wala. Period." Sagot ko.


"Mabuti naman. Akala ko talo na ako." Nakangiting sabe nya.


"Ha? Talo? Saan naman?"


"San pa ba, edi dyan sa puso mo. Akala ko talo na ako. Hehe." Natatawang sagot nya!

Anubeeee.
Kuya Air! Huwag kang ganiyan please! Baka makagat pa kita. Ahohoho.


"Ano ba yang mga pinagsasabi mo Kuya! Kaloka ka! Walang matatalo at wala ring mamanalo dito sa puso ko! Ganon!" Kuda ko!

Nagulat ako ng bigla nalang akong niyakap ni Kuya Air! Juskoooo.
Anserep nemen. Ahaha.



"Lagi mong tatandaan, na gusto kita, gustong gusto and I'm always here for you." Bulong nya sa may kaliwa kong tenga! Megeeed.

Hindi na ako nakapagsalita.
Bigla akong napa- silent mode!
I don't know what to sayyyy.
Basta! Niyakap ko din si Kuya Air. Ganoooon.



"Eheeeem!" Nagulat kami ni Kuya Air nang may biglang umubo! Paglingon namin, si Kuya Axe pala! Kaya mabilis kong inalis yung braso ko sa pagkakayakap ko kay Kuya Air at Ganun din sya!



"B-Bro. Ikaw pala yan. Ginulat mo naman kami." Sabe ni Kuya Air.


"Halata nga. Mukhang gulat na gulat kayong dalawa. Naka-istorbo ba ako?" Seryosong kuda ni Kuya Axe!



My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now