Paaakkk 34

35K 1.4K 126
                                    


• FITA'S POV •




Lumipas ang mga oras!



LUNCH BREAK NAAAA!!!



As usual, introduce your self here, introduce your self there. Ganyan ang naging eksena sa room namin kanina. At nakakaloka ang mga classmate ko! Lahat sila maaarte! Damang dama ko na ayaw nila sa akin dahil may puso akong babae! Ayaw nila sa tulad ko. Grrr.
Tinanong ba nila kung gusto ko sila? Tssssk! Mukhang wala akong magiging friends sa section namin. Rwwwr.




Habang naglalakad ako, biglang may sigawan at hiyawan akong narinig sa 'di kalayuan. At dahil dakilang chismosa at etchusera ang lola nyo, mabilis akong rumampa papunta sa mga taong nagkakagulo.


"Woooh! Ang gwapo talaga nila!" Hiyaw ng babaeng katabi ko na nakasuot ng malaking ribbon.
Halos mabingi ako sa sigaw nya!
Kaloka!


"Ate?! Anong meron? Anong nangyayari? Bakit nagwawala kayo d'yan?" Tanong ko.


"Ang A Brothers! Nandiyan at magkakasama sila!" Sagot nya.

A Brothers?
Sino yung mga yun?
Mukhang sikat na sikat sila dito sa school! Lahat ng babae nagtitilian sa kanila! Kaloka nemen.



At dahil gusto kong makita ang sinasabi nitong A Brothers, nakisiksik at singit ako sa kumpulan ng mga mahaharot na babaeng ito.



At pagdating ko sa unahan, nanlaki ang mata ko sa aking nakita!!!!



Sila????
Sila yung sinasabing A Brothers??
Weh??? Di nga???
Sila yung pinagkakaguluhan at pinagtitilian ng mga babaeng ito???! Totoo ba????
Ang apat na halimaw na yun? Sikat na sikat sa school na to???
Kalokaaaaa!!!!



"Fit!!!" Sigaw ni Kuya Ace nang makita nya ako. Kaya napalingon na rin sa akin sina Kuya Axe, Air at Ash!



Naloka ako nang maglakad silang apat palapit sa akin!
At ang mas nakakaloka pa, lahat ng babaeng nasa paligid na tumitili sa kanila kanina ay biglang natahimik! Pinagmamasdan lang nilang lahat sina Kuya habang naglalakad ang mga ito palapit sa akin!



"Nakapag-lunch kana ba?" Tanong ni Kuya Air nang makalapit silang apat sa akin.


"Ah. Hi-hindi pa." Utal kong sagot!



Joskooooo!!!!
Abot abot ang kaba ko!
Lahat ng mata ng mga taong nasa paligid namin ngayon ay nasa akin! Lahat sila nakatingin sa akin! Kaya nakaramdam ako ng hiya! Gooosssh!
Center of attention kami ngayon!!! Mygaaadd! Hindi ako sanay ng ganitong eksena!!!


"Sumabay ka nalang sa amin Fit." Kuda ni Kuya Ace at mabilis nya akong inakbayan.



Yung kaninang gulat na mga mata ng mga babaeng nasa paligid namin ngayon, ay biglang nagbago! Biglang nanlisik ang mga mata nila habang nakitingin silang lahat sa akin!!!
Parang china-chop chop na nila ako sa isip nila! Juskopo!


"Sino ba yan? At bakit parang close sya sa A Brothers?!" Rinig kong tanong ng isang babae habang nakataas ang kilay nito.


"I don't know bes, this is the first time na nakita ko sya dito." Sagot naman ng isa pang babae.


"Hindi naman sya maganda! Hindi sya bagay sumana sa A Brothers! Sinisira nya lang ang view!" Imbyernang sabi naman ng isa pang babae at pinaikutan ako nito ng mata! Kaloka! Ano bang nagawa ko???
Bakit parang galit na galit silang lahat sa akin???!!!


My Four Homophobic Stepbrothersحيث تعيش القصص. اكتشف الآن