MFHSB - Extended Chapterrr 💋

37.7K 1.1K 391
                                    

2 YEARS LATER. . . .



"Good morning Nay! Good morning baby Hansel!" Greetings ko kay mudrbells at sa aking pinaka cute na baby little brother.

Oo! Tama kayo ng nabasa! Little Brother! Dahil lalaki si baby Hansel! Akala ko talaga babae sya! Naloka kami nung inire na sya ni mudrabells, eh lalaki pala sya. Huhu.

Syempre. Na-disappoint ako. Pero ang apat na mga halimaw na yun tuwang tuwa! Madadagdagan na naman daw ng gwapo sa pamilya. Kaloka! Kakapal nila. Grrrr.

Iki-kiss ko sana si baby Hansel sa cheek nito nang biglang tinakpan ni mudra ang bibig ko! Mygaassh!


"Nak! Mag-tooth brush ka muna. Bad breath ka pa." Kuda nya!

"Grabe ka Nay! Kahit hindi ako mag-tooth brush good pa din ang breath ko! Never syang naging bad!" Depensa ko. Bully talaga itong si mudra kahit kelan!

"Ay nako, mag-tooth brush ka muna para sure Nak. Mahina ang resistensya ni baby Hansel. Baka hindi nya kayanin." Sabee nya.

"Grrrr. Ewan ko sayo Nay. Makakain na nga lang." Kuda ko. Pinisil ko nalang ang matabang pisngi ni baby Hansel.

Umupo ako sa chair ko, at nag-umpisa na akong kumain.

"Good morning Tita, good morning baby boy." Greetings ni Kuya Ace sa kanila tapos kiniss nya si baby Hansel ng paulit-ulit!

"Ang daya! Bakit si Kuya Ace pinayagan nyong i-kiss si baby samantalang ako hindi! Eh bad breath din naman yang si Kuya eh!" Maktol ko. Ang unfair talaga nitong si mudra!

"Oy! Grabe ka Fit! kaka-tooth brush ko lang." Katwiran ni Kuya Ace.

"Oh. Narinig mo, nagtooth brush ang Kuya mo, kaya pinayagan ko syang i-kiss si baby." sabi naman ni mudra.

"Ewan ko sa inyo."imbyernang kuda ko at pinagpatuloy ko lang ang paglamon. Lamon talaga?! Hahaha. Basta! Ganun.

Kaming dalawa nalang ni Kuya Ace ang nag-aaral. Dahil graduate na sina Kuya Ash, Kuya Air at Axe. They are working na. Si Kuya Ash naging member na ng NBA. Oh taray! Bigyan ng bola yan. Ahaha. Charoot.

Tapos si Kuya Air naman sikat ng song writer, composer at singer. Kakatapos nga lang nung concert nya sa Araneta last week. Uwian na, ginalingan ni Kuya eh. Ahahaha.

At si Axe naman, Oo Axe nalang ang tawag ko sa kanya. Ayaw nya kasing tinatawag ko pa syang Kuya kasi daw kami na. Ganun. Ngayon, sya ang kanang kamay ni Fafa Ark sa negosyo nila. Katulong sya ni Fafa Ark sa business at naloloka ako dahil minsan wala na syang time sa akin. Huhu.

"Where's Dad? At si Kuya Axe? Nakaalis na ba sila?" Tanong ni Kuya Ace kay mudra.

"Oo. Nakaalis na. Sabi nila next week pa daw ang balik nila." Sagot ni mudra.

Huh? Nakaalis?

"Bakit Nay? Saan ba gumora sila Tito Ark at Kuya Axe?" Tanong ko.

"Hindi ba nagpaalam si Axe sayo? Ngayon yung flight nila papuntang Berlin. May importante daw silang meeting dun." Sagot nya.

Nanlaki ang mata ko sa sobrang shocked! Nooooo waaaayyy!
Ang halimaw na Axe na yun! Hindi man lang nagpaalam sa akin! Grrrr.
Nakalimutan nya na ba? Huhu. Hindi ba nya naalala na ngayon ang 2nd anniversary namin. Ngayong araw magto-two years na kami!

"Hindi po." lifeless kong sagot. Tumayo na ako, nawalan na ako ng gana. Sa inyo na yung tirang pagkain ko mga besssh.

Ganun na ba talaga sya ka-busy?
Ni hindi man lang nya nagawang magpaalam sa akin. Tapos feeling ko hindi nya naalala na ngayon ang anniversary namin. Lumipad pa sya papuntang Berlin! Tapos next week pa ang balik nya! Huhu.

My Four Homophobic StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon