• THE ENDING •

38.8K 1.4K 832
                                    

Before anything else, gusto ko kayong pasalamatan dahil nakaabot kayo hanggang ending! Thank you sa pag-vote, pag-comment at pagbasa sa story kong to kahit na puro kabaliwan lang lahat, sinuportahan nyo pa rin ako! So thank you talaga sa inyo! Almost 10 months din ang tinagal ng kwento because of my busy schedule kaya tumagal sya ng ganito and sorry po for that.

At dahil ito na ang last chapter! This is the longest chapter ever! Almost threedays ko tong ginawa! Sobrang haba nito, mapapagod kayo kaka-scroll HAHAHA! Charooot!

And warning! Warning! Warning!
Walang iiyak! Humor to! Kaya huwag kayong umiyak! Huwag nyo akong gayahin, iyak ako ng iyak habang ginagawa tong last chapter! Huhu! Walang iiyak! Tumawa tayo! Because it is easy to laugh, than to explain why you're crying! Ganoon! Charrrr!

Enjoy Reading!
Sana lang ma-enjoy nyo! Hahahaha!
I accept negative and positive comments! Alam kong may mga readers dyan na hindi magugustuhan ang ending at meron naman dyan na magugustuhan ito. Kaya sige lang, feel free to comment your thoughts!




So here it is. . .



The Ending!




------



• FITA'S POV •


Hindi ko alam, pero naghahalong kaba, saya at excitement ang nararamdaman ko ngayon.
Ito ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magse-saying goodbye na ako sa pagging bagets ko. Ang araw ng pagdadalaga ko! Ganooon!

Today, I turned eighteen.
Dalaga na ako. Hindi na ako yung batang Fita na uhugin at neneng nene pang umawra! Dalaga na ako! So I should act like a lady. Anubee. Parang hindi ko pa keri. Ahahaha.


Napalingon ako sa pink floral gown na nasa tabi ng kama ko. Ito ang susuotin ko mamaya sa debut ko.
Oo! Tama kayo ng nabasa! Magde-debut ako! Ang lakas makababae ng araw na to!

Matagal na pala itong plinano nina mudrabells at Fafa Ark! Kasi nga dream ko noon ang mag-debut, naikwento ko yun kay mudra.
Hindi ko naman in-expect na tutuparin nya ang dream kong yon! Kaya eto! Ready na ang lahat! Ang venue, ang foods at ang lahat! Ako nalang yata ang hindi ready!

May pa eighteen candles, eighteen balloons, eighteen chocolates, eighteen gifts, eighteen roses at kung anu-ano pang eighteen! Basta! Eighteen!

Rainbow ang theme ng debut ko. So, talagang makulay na makulay ang buong venue. Lahat ng guests dapat nakasuot ng kung anumang kulay ang naisin nila except sa kulay na pink! Ako lang ang dapat na magsusuot ng pink! At nakalagay yon sa invitation, bawal silang magsuot ng pink! Debut ko yun noh, so dapat wala akong kakulay! Ahahahaha.

Mamayang six pa ng gabi ang simula ng debut ko, alas kwatro palang so may two hours pa ako para magpaganda! Maya maya lang darating na yung make-up artist ko. At sana lang talaga, maging super dyosang dyosa ako mamayang gabi. Ahihihi.



May narinig akong kumatok sa may pinto.


"Nak, heto na ang magme-make up at mag-aayos sayo." Kuda ni mudra after nyang kumatok.


"Pasok po Nay!" Sagot ko at dahan dahan nang bumukas ang pinto.

Napanga-nga ako nang makita ko ang taong magme-make up sa akin!
Talaga ba??? Sya????
Sya ang mag-aayos sa akin????


"Hi Fita! Happy Birthday!" Masayang greetings ni Xylene habang marami syang bitbit na kung anu-anong pampaganda.


"Sa-salamat Xylene. Ikaw pala ang magpapaganda sa akin. Hindi mo man lang ako in-inform." Kuda ko naman.


My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now