Paaakkk 09

38.8K 1.4K 171
                                    

FITA'S POV



*Kinabukasan*




Nagising ako sa pagtawag ni Mudra sa akin mula sa pinto.
Dinaig nya pa yung tilaok ng tandang! Mygadd! So noisyy.


"Nak! Gising na! Gising!" Talak ni mudra kaya mabilis akong rumampa papunta sa pinto para buksan ito.


"Nay naman. Nagbu-beauty rest pa ako. Gusto mo talagang puma-panget ako eh." Maktol ko kay mudrabells pagbukas ko ng pinto.


"May pa-beauty rest beauty rest ka pang nalalaman dyan. Halika na sa baba. Ikaw nalang ang kulang sa breakfast. Nandoon na silang lahat. " Kuda ni mudra.



Nung marinig ko yung salitang breakfast biglang may sumipa sa loob ng tiyan ko! Mukhang gutom na naman ata ang mga cobra sa tummy. Ahaha! Charot lungs!





Pagdating namin ni mudra sa dinning area, nakaupo na ang apat na halimaw na iyon sa tabi ng mesa pati na rin si Fafa Ark.




"Good Morning po Tito Ark!" Naka-smile na pagbati ko dito sabay beso sa cheeks nya! Ahaha! Ke aga aga buhay na buhay na naman ang pagiging maharot ko. Whahaha.



Bebeso pa sana ako sa kabilang pisngi ni Fafa Ark nang bigla nalang umeksena si mudrabells.




"Oh! Tama na yan. Pinapak mo na ang Tito Ark mo. Hindi sya yung ulam, ayan sa mesa yung ulam." Ani mudra!



"It's okay Helena. Napaka-sweet na bata pala nitong si Fita." Nakangiting sabe ni Fafa Ark!


Eeehk!
Oh! Narinig mo yun Nay!
Okay lang daw! Ahaha!


Susubukan ko pa sanang bumeso kay Fafa Ark nang hilahin ako ni mudra sa upuan ko.




"Naku ikaw talaga. Sabi ko mag-behave ka lang eh. Kumain kana nga lang d'yan."


Kaloka!
Panira talaga itong si Mudra!
Beso lang naman eh!
Ang damot. Rwwr.



"Hi Brothers! Good morning po sa inyo." Nakangiti ding pagbati ko sa apat na halimaw na'to.



I need to do this, alam nyo naman? Kailangan kong magpanggap na close ako sa kanila sa harap nila Fafa Ark at mudrabells.


Pero wala!
Hindi man lang sila nag hello at nag-good morning too sa akin!
Dinedma lang nila ang beauty ko mga besssh!



Mabuti nalang hindi napansin nila mudra at Fafa Ark ang pag-isnob sa akin ng apat na yun, dahil bising busy silang dalawa sa sweetness nila at sa harap pa talaga ng hapag.


Nakurr!
Maharot din itong si mudra eh! Sa kanya ko nga yun namana! Tapos gusto nya pa akong mag-behave. Ano ako? Aso. Rwwr! Isda ako noh. Isda. Ahaha.




"Ehemmm! Let's pray na po!" Pag-eksena ko sa sweet moment nilang dalawa. Ahaha.


At ayun na nga, after the praying session, kainan na! Sinunggaban ko agad ang mga pagkain. Lafang kung lafang! Whahaha.


Habang kami ay kumakain biglang nagsalita si Fafa Ark.



"May sasabihin nga pala kami sa inyo." Sabe nya.



"Ano yun Dad?" Tanong ni Kuya Axe.


"Helena and I are leaving the country later. We're going to France para bisitahin ang wine production natin doon, and I decided na doon na din kami magho-honey moon. It's been a week simula ng ikasal kami and I think this is the right time to do that. So mamaya na yung flight namin and we're staying in France for a week." Sabe ni Fafa Ark!




My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now