Paaakkk 19

35.9K 1.4K 480
                                    

"Anyone can love a rose, but it takes a lot to love a leaf."
-Tom Flynn

----





• FITA'S POV •





Wow!
Asi in Wowowin!
Ito pala ang Quiapo!
Ang daming tao mga bessshh!
Feeling ko nasu-suffocate na ako dito! Ahahaha. Charrr
Sa isla kasi namin, kokonti lang ang tao dun, kaya this is my first time to see so many humans in my surroundings!
Ganun.


"Ano ba ang bibilhin mo dito?" Tanong ni Kuya Air habang rumarampa kami sa Quiapo.


Kami talaga? Ahaha.
Dinamay ko pa sya sa kabaklaan ko. Rewwr.


"Ahm. Agimat or anting-anting. Yun yung gusto kong bilhin dito Kuya." Sagot ko.

"Ha? Bakit ka naman bibili nun?" Kunot noo nyang tanong.

"Basta. I need it, kaya kailangan kong bumili nun." Sagot ko.


"Okay. Follow me, dun pa ang bilihan nun." Kuda nya at mygaaadddd! Hinawakan nya ako sa kamay at hinila nya ako papunta sa kung saan.

Yung kuryente mga besssh! Dumaloy na naman sa sistema ko! Megeeeed!

Konti nalang mangingisay na ako! Ahahaha.




Dinala ako ni Kuya Air sa may tapat ng simbahan, kung saan maraming mga vendors na nagtitinda ng kung anu-ano.
Hinila nya ako palapit sa isa sa mga vendors na yun.


"Ate may agimat po ba kayo?" Tanong ni Kuya Air sa Lolang tindera.

"Oho Ser. Meron po. Para saan po ba ang agimat na gusto nyo?" Tanong ng tindera.


"Uy. Para saan daw?" Tanong sa akin ni Kuya Air.


"Ahm. Para po sa pangontra sa sumpa." Sagot ko.


"Pangontra sa sumpa ba kamo? Meron ako nyan hija." Kuda ni lolang tindera.

Kaloka!
Hija talaga?
Ahahaha!
Ang gando ko kasi ehhh.
Hahaha. Charrrr.

"Heto. Yan ang agimat na pangontra sa sumpa. Malakas ang kapangyarihan nyan hija, lalo na kung dadasalan mo." Kuda ulit ni lolang tindera sabay abot sa akin ng agimat na hawak nya.

Ang taray mga besssh!
Ang gando ng agimat na itey!
Kulay pink na kwintas na may kung anu-anong pang design na hindi ko maintindihan.


"Effective po ba talaga to Lola?" Tanong ko dito.


"Oo naman hija. Effective yan. Kailangan mo ding bumili ng insenso na tinda ko para kapag dinasalan mo ang agimat na yan, magiging epektibo talaga ang kapangyarihan nyang agimat kontra sa sumpa." Sabe ni Lola sabay abot sa akin ng tinda nyang insenso.


Kaloka.
Bakit may insenso?
Pang chinese diba yun?
Nakurrr.


"Magkano po lahat Lola?" Tanong ko.

"500 lang hija." Sagot ni Lola!!!!


Mygaadddd!
500????
Eh isang daan lang ang dala kong pera!!!! Naku naman!


"Ahm pwede 100 nalang Lola?" Pagtawad ko dito. Ahahaha.


"Naku hija. Hindi pwede. Kailangan 500. Sa Capiz pa galing ang agimat na yan kaya mahal." Kuda ni Lola.


Rwwwr!
Ayaw nya. Grrrr.



"Ito po ang bayad." Sabe ni Kuya Air at may inabot syang 500 pesos kay Lola.

My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now