Paaakkk 50

28.2K 1.2K 462
                                    

Babae yun! Ano laban mo dun? Umuwi ka na lang besss. Bakla ka lang. 😢💔

Sakettttt! 😭
-----






• FITA'S POV •








"Kuya! Ibaba mo ako!" Sigaw ko! Mygaaad tong halimaw na Ace nato! Ayaw nya pa rin akong ibaba! Buhat buhat nya pa rin ako.


"Relax ka lang Fit. Ibababa din naman kita." Nakangiti nyang sabe!


Hanggang sa makarating na kami sa dinning area!


OHMYGAAAAD!
NOOOOOO WAAAAYYY!
Hindi ako pwedeng makita ni Xylene!


"Kuya! Ibaba mo na ako!" Sigaw ko ulit.

Pero wala na!
Huli na ang lahat!
Nakapasok na kami sa loob.
Nakatitig sina Kuya Axe, Ash at Air sa amin at syempre pati na rin si Xylene.

"Were here." Kuda ni Kuya Ace at binaba nya na ako mula sa pagkakabuhat nya!


"Ace! Ano na naman ang ginawa mo kay Fita?" Matigas na tanong ni Kuya Axe.

"Wa-wala. Wala akong ginagawa sa kanya. Binuhat ko lang sya dito. Mukha kasing nahihiya ata syang makilala si Xylene." Sagot ni Kuya Ace!

"Really?" Nagdududang tanong ni Kuya Ash habang matalim ang tingin nya kay Kuya Ace! Kaya umiksena na ako!

"Totoo ang sinasabi ni Kuya, wala syang ginagawang masama sa akin." Kuda ko.

"Ohmygad! You! I know you! Fita? Is that you?!" Gulat na sabi ni Xylene. Mukhang matagal pa syang nag-isip, hindi nya pa ata ako nakilala. Naglakad sya palapit sa akin. "Sabi ko na! Ikaw yan. Sorry I didn't recognize you immediately, medyo malabo kasi ang mata ko." Dagdag nya pa.


"What?! Magkakilala kayo?!" Gulat na gulat na sabe ng apat na halimaw na to. At yung expressions nila! Napaka OA talaga.

"Yes. I met him in the airport." Sagot ni Xylene.

"How? Paano kayo nagkakilala sa airport?!" Tanong ni Kuya Air.

"Diba sabi ko sa inyo kanina, I came here because of that damn arrange marriage. Sya, si Fita ang girlfriend ng lalaking dapat papakasalan ko." Sagot nya!

Pisteeee kang babae ka!
Hindi mo man lang ako in-inform na ire-reveal mo na agad yan!
Mygaaasssh!
I'm not ready! Ano ng gagawin ko?!
Juskoooor!


"What?! Girlfriend?!" Gulat na gulat ulit na sabe ng apat na to!

"Totoo ba yang sinasabi mo Xylene?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Ash.

"Yes. Kahit tanungin nyo pa si Fita." Nakangiti nyang sagot! Pisteee.

Sabay sabay silang apat na tumingin sa akin. Gooosssh!
Tog! Tog! Tog!
Meggeeed! Walang humpay sa pagtambol ang dibdib ko sa sobrang kaba! Juskkkkoooo!


"Totoo ba yun Fita?!" Tanong ni Kuya Ace!

"Ahm. Ah-eh-ih-oh-uh!" Mygaassh! Nabaluktot na naman yung dila ko sa sobrang kaba!

"Who's that guy?! Yung lalaking papakasalan mo dapat? Sino sya?!" Tanong ni Kuya Ash kay Xylene.

"His name is Ethan--- Ethan Salvador. His Dad is my Dad's business partner." Sagot ng babaeng ito!

"E-Ethan!" Sabay sabay ulit nilang sabi at gaya kanina. Pare parehas silang nagulat.

Ibang klase ang apat na halimaw na to! Duet kong duet! Ahahahaha.
Wait! Bakit ba ako tumatawa!
Dapat kinakabahan na ako!
Juskoooo.

My Four Homophobic StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon