Paaakkk 33

37.2K 1.4K 147
                                    

Sorry po sa late update! Midterm po kasi namin nitong mga nakaraang araw kaya hindi po ako nakapag-update! I hope you understand. :)

Medyo may hang over pa rin ako sa midterm week namin, kaya kayo na pong bahalang umintindi sa update kong ito. Ahahaha! ✌😁😁😁😁
----







• FITA'S POV •






Excited na akoooo!!!!
This is my first day in school!
Makakapag-aral na talaga ako sa college! Mygaaad!!!
Para akong batang paslit na excited na pumasok sa school! Ganun. Ahahaha!


Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapag-move on sa mga nangyari sa amin sa isla. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na mabait at maayos na talaga ang pakikitungo sa akin ng apat na halimaw na yun. Kung hindi siguro kami na-istranded sa islang iyon, baka hanggang ngayon galit pa rin sa akin ang apat na kumag na yun. Rwwwr.
Subukan lang nila ulit magalit sa akin! Tsa-tsaniin ko talaga isa-isa ang malalago nilang balahibo sa kili-kili. Grrrr.



But anyways! Nung umalis nga pala sila Kuya Ace, Air at Ash para humingi ng tulong gamit yung balsang ginawa namin ay mabuti nalang may nakakita sa kanilang mangingisda at iyon ang tumulong sa amin!


Pagbalik namin sa isla Mako, kitang kita ko kung paano ma-istress si mudra! Alalang-alala sya sa aming lima! Mabuti nalang talaga walang nangyari sa baby sister ko. She's in her good condition! Ahaha!
Pero sila Ate Mimi, Lily at Deedee together with Manang Yolly ay sobrang OA ng reaction! Ang drama talaga nila. Ahahaha.
Si Fafa Ark naman kalmado lang ang reaksyon pero syempre nagpa-awa effect ako sa kanya para mayakap ko sya! Ahahahaha! Anubeee.





"Nak! Fita? Tinatanong kita? Anong oras ang pasok mo?" Rinig kong tanong ni mudra kaya nanumbalik ako sa ulirat ko. Ahahaha. Nasa dinning area nga pala kami ngayon and we're eating our breakfast.

"Ahm. 8:00 am po Nay!" Sagot ko.

"Pare-parehas pala kayo ng oras ng pasok. Sumabay ka nalang sa mga Kuya mo Fita." Kuda ni Fafa Ark.

"Sa akin ka nalang sumabay!" Sabi ng apat na halimaw na to in chorus! Kaloka! Pati si mudra at Fafa Ark naloka din! As in sabay sabay talaga nilang sinabi yun! Ahahaha.

"Sa akin ka nalang sumabay Fit." Kuda ni Kuya Ace sabay kindat sa akin. Rwwwr. Ayuko nga! Baka kung saan mo pa ako dalhin.

"If you want you can ride in my car, mabilis akong magmaneho. Hinding hindi tayo male-late." Alok naman ni Kuya Ash. Kaya lang ayuko ng masyadong mabilis! Baka malaglag yung puso ko!

"Sabay ka nalang ulit sa akin. Kung gusto mo lang. Don't worry maayos na yung kotse ko." Mahinang sabi naman ni Kuya Axe. Nakurrr! May phobia na ako sa kotse nyang de-batirya! Baka makulong na naman kami sa loob nun! Rwwwr! Ayuko.

"Kay Kuya Air nalang po ako sasabay." Deklara ko.


Napatingin sa akin si Kuya Air at nagulat pa sya sa sinabi ko. Ahahaha.

"Sa akin?" Tanong ni Kuya Air.

"Opo Kuya. Sayo nalang po ako sasabay. Okay lang ba?" Sagot ko naman.

"Sure! Okay na okay." Nakangiting sabi ni Kuya Air!
Awwwww!
Ang gwapo nya talagang ngumiti! Ahahaha!




At ganun na nga ang nangyari mga besssh! Kay Kuya Air ako sumabay. Nakasakay ako ngayon sa kotse nyang kulay Green. Nakaupo ako sa front seat katabi nya.


"May lunch box ka talagang dala?" Nakangising tanong ni Kuya Air.

"Eh, pinagluto ako ni Manang Yolly, sayang naman kung hindi ko babaunin." Sagot ko.

My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now