Paaakkk 14

37K 1.4K 186
                                    


• FITA'S POV •





Dali-daling pumasok si Ethan sa gate at naglakad sya palapit sa kinaroroonan ko.
Gooosssh! Ayan na ang Prince Charming ko! Ahaha.



"Who did this to you?" Tanong nya.


Kaloka!
Paano ako makakasagot!
May packing tape ang bibig ko.
Talagang itong si Ethan. Nakurr.



"Oh, sorry. I forgot." Aniya nang mapansin nya ang packing tape sa bibig ko at mabilis nya itong tinanggal!



Homygaaaad!
Ang saket!!!
Natanggal ata yung balat ko!



"Ouchhh!" Sabe ko. Ang seket kaya mga bessh.



"Ops! Sorry again." Sabi nya sabay smile.



Naku! Naku! Naku!
Konti nalang maiihi na ako sa kilig kay Ethan! Mygaad!
Ang gwapoooooo nyang mag-smile! Rwwwwr.



"Paki tanggal na din yung tali." Pa-sweet na sabi ko sa kaniya.



Agad nya namang tinggal ang pagkakagapos ko sa puno.
Ayan! I'm free! I'm free! I'm free! Ahaha.



Dahil sa sobrang saya ko, bigla kong nayakap si Ethan! Ahoho!
Ang tigas ng braso nya mga bessh! Serep kagatin. Ahahaha.



"So-sorry. Hi-hindi ko sinasadyang yakapin ka. Natuwa lang kasi ako." Pabebeng sabe ko sa kaniya. Wahihihi!




"It's okay." Naka smile nyang sabe! Mygaaad talaga mga bessh! I can't breath! Grabe magpakilig itong si Ethan! Hindi kinakaya ng panty liner ko! Josko!



"Sino nga pala ang nagtali sayo sa punong ito?" Tanong nya.


"Hay naku! Edi ang mga halimaw kong Kuya! Pagkatapos nila ang igapos, iniwan nalang nila ako dito ng basta basta!" Imbyernang kuda ko. "Natakot nga ako eh, ang dilim kasi dito. Mabuti nalang dumating ka. You saved me. Salamat." Madrama ko pang sabi sabay yakap ulit sa kanya!



Ahahaha! Two points na mga besshh! Serep nya talagang yakapain! Nakakagigil! Wahihi!


"You're welcome. Huwag ka ng matakot, nandito na ako." Sabe nya sabay haplos sa likod ko!


Juskoooo!
Parang tinamaan ako ng kidlat ni Volta sa paghaplos nyang iyon mga bessh! Bulta-bultaheng kuryente ang dumaloy sa sexy kong katawan! Megeed!



"Talaga bang ang mga Kuya mo ang gumawa sayo nito? Bakit nila ito ginawa sayo?" Tanong nya ulit.


"Galit sila sa akin. Sobrang init ng dugo ng mga halimaw na yun sa akin. Galit daw sila sa mga baklang gaya ko. Kaya ginaganito nila ako." Madramang sagot ko sabay yakap ulit sa kanya! Ahahaha! Nawiwili na ako mga bessh! Bukod sa matigas ang katawan nitong si Ethan, sobrang bango nya pa! Nakakaadik!
Ang serep nyang singhutin!

Ahahaha!



"Oh. I see. Sa pagkakaalam ko nga, galit talaga sila sa mga bakla. But stepbrother ka nila diba, or should I say stepsister, dapat hindi ka nila sinasaktan." Sabe ulit ni Ethan.


"Oo nga. Pero wala eh. Galit talaga sila sa akin. At kahit anong gawin ko, mukhang hindi na yun magbabago pa." Sagot ko. "Pero paano mo naman nalaman na galit sila sa mga bakla?" Tanong ko pa.


"I know them. Silang apat ang kilabot ng mga gays sa school. Not because gays like them but because gays in our school are scared with them. Takot na takot sa kanilang apat ang mga gays sa school, dahil nambubugbog silang apat ng mga bakla. Especially si Axe." Sagot ni Ethan.


My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now