Paaakkk 32

38K 1.5K 177
                                    


• FITA'S POV •




At ganun na nga ang nangyari mga besh! Nakagawa kami ng balsa! Ahahaha.




"At last! We did it!" Sabi ni Kuya Axe pagkatapos naming magawa ang balsa.



"So now? Sino ang gagamit nyan para makahingi ng tulong?" Tanong ni Kuya Ash.


"Edi tayo Bro! Sino pa ba?" Sagot ni Kuya Ace.


"Ang ibig kong sabihin sinu-sino? Hindi naman tayo kasya sa balsang ito. Parang tatlong tao lang ang kasya dito." Kuda ni Kuya Ash.



"Ako. I wanna try this floating bamboo." Ani Kuya Air.



"Ako din po! Gusto kong sumakay!" Pagsingit ko.


"Dito ka lang Fita. Kami na ang bahalang humingi ng tulong." Pagpigil ni Kuya Ash.



"Pero Kuya! Sige na! Marami akong kaibigang mga lamang dagat, baka matulungan nila tayo. Kaya isama nyo na ako." Pagpupumilit ko.



"Hehe. Puro ka talaga biro Fit! Hayaan nalang natin sila Kuya na humingi ng tulong. Para tayong dalawa nalang ang maiwan dito." Nakangising sabi ni Kuya Ace!

Nakurrr!
Ayuko! Sasama ako!
Ayukong maiwan dito kasama ang manyak na to. Rwwwr.



"Sasama ka sa amin Ace. Si Kuya Axe at Fita ang maiiwan dito. Injured pa rin si Kuya kaya hindi sya makakasama." Saad ni Kuya Air.



"But Bro! Kayo nalang. Gusto kong magpaiwan!" Pag-ayaw ni Kuya Ace.



"Hindi Ace! Sumama ka sa amin! Baka kung ano pang gawin mo kay Fita kapag kayong dalawa lang ang maiiwan dito!" Ani Kuya Ash.



"Sige na Ace. Sumakay ka na sa balsa. Ako ng bahala kay Fita." Kuda naman ni Kuya Axe?

Weh?
Talaga ba Kuya Axe?
Ikaw ang bahala sa akin?
Parang hindi parin ako makapaniwala sa kinikilos nya ngayon. Nakakapanibago.
Wala na ang halimaw na si Axe! Ahahaha.




At ganun na nga ang nangyari. Sumakay na sila Kuya Ash, Air at Ace sa balsang ginawa namin. Sana lang talaga makahingi sila ng tulong! Dahil hapding hapdi na ang flawless skin ko dahil palaging tubig dagat nalang ang pinangpapaligo ko. Tapos wala pang sabon at shampooo! Juskooooo! Rwwwwr.



"Hintayin nalang natin ang pagbalik nila." Rinig kong sabi ni Kuya Axe at umupo sya sa may tabi ng puno.



"Sana makahingi na sila ng tulong. Na mimiss ko ng kumain ng spaghetti." Kuda ko.

Narinig kong biglang natawa ng bahagya si Kuya Axe.


"Bakit? Ano nakakatawa Kuya?" Tanong ko.


"Ah. Wa-wala." Sabi nya.

Naglakad ako palapit sa kanya at tinabihan ko sya sa tabi ng puno.



"Kuya?" Pagtawag ko.


"Bakit?"


"Bati na ba talaga tayo? Hindi ka na ba talaga galit sa akin?" Tanong ko.


"Oo. Bati na tayo bansot." Sabi nya at ginulo nya pa ang buhok ko.


"Tseee! Hindi nga ako bansot! Cute lang! " Imbyernang kuda ko sa kaniya.


"Tumayo ka." Utos nya.



"At bakit naman ako tatayo?!"


"Basta tumayo ka." Kaya tumayo naman ako at ganun din sya.



My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now