Paaakkk 16

37.8K 1.7K 299
                                    

As of now. MFHS has been ranked #12 in HUMOR! Ahahaha! Konting kembot nalang mga bessh pasok na tayo sa top 10. Ahaha! Read lang ng read , vote lang ng vote at comment lang ng comment mga bessh! Salamat!!!! :)))

----




• FITA'S POV •




Umalis na si Tito Doc. Si Tito Doc pogi! Awww. Ahahaha.

Tito na din daw ang itawag ko sa kaniya.


Nag-volunteer ako na alagaan ang apat na halimaw na to.
Sabi ni Doc bibisita daw sya ulit bukas para i-check ang lagay ng apat. Pero syempre, bago pa man sya umalis in-explain nya na sa akin ang mga kailangan kong gawin sa apat na yun.


Every morning, noon and evening kailangan nilang inumin ang gamot nila. So it means, three times a day silang iinom ng gamot. Ganun.
Kailangan ko din daw silang pakainin ng healthy food. Mas maganda daw kung soup or porridge with veggy para mabilis nilang ma-digest. And lastly, kailangan ko daw palaging i-check ang temperature nila.


Oh diba???
Ang taray???!!!
Ako na ang dakilang nurse ng taon! Kaloka! Ahahaha.


I have no choice kundi alagaan sila. Ako naman ang may kasalanan eh. Kaya kailangan kong bumawi. Hindi keri ng konsensya kong panuorin silang nahihirapan sa sakit na ako ang dahilan. May puso din ako mga besshh! Kulay pink pa nga eh!
Ahahaha.




Magtatanghali na.
So kailangan ko ng magluto ng tanghalian nila.

Ano kayang magandang lutuin?


Sopas o lugaw o champorado.
Ahaha! Champorado talaga???
Sige. Sigeee.
Sopas nalang.






----

Pagkatapos kong magluto ng sopas ay agad ko itong inihatid sa kwarto ng mga halimaw. Mabuti nalang mabilis akong natapos sa pagluluto.
Tinulungan kasi ako nila Ate Mimi. At more chika pa nga kaming apat habang nagco-cooking show. Ganun.



Kumatok ako ng tatlong beses bago ako pumasok sa kwarto ni Kuya Ace. Sya muna ang uunahin kong pakainin. After nya si Kuya Air, next si Kuya Ash naman and lastly ang pinaka bad sa lahat si Kuya Axe!


Ihuhuli ko na ang halimaw na Axe na yun! Maghintay sya!






"Hi. Kuya Ace! Here's your lunch!" Masayang bungad ko sa kaniya habang dala dala ko ang tray na naglalaman ng sopas, tubig at gamot nya.


"Hindi ba sasakit ang tiyan ko sa lunch na niluto mong iyan?" Nahihirapang tanong nya habang nakahiga sya sa kama.


Ayyy kaloka!
Pinagdududahan nya kaya ako??
Baka naisip nya na ako ang dahilan kung bakit nasira ang tiyan nila??? Mygaad!
I need to defend my self!
Hindi pwedeng mabuking na ako ang salarin.


"Grabe ka naman Kuya. Malinis tong niluto ko. Gusto mo tikman ko pa para patunayan sayo na malinis to." Kuda ko.


"No need. Just feed me." Sabe nya.


Bongga!
Mukhang wala na yung pagdududa nya.
Kaya ngayon, I need to feed him na. Feed him talaga???
Ahahaha.


Umupo ako sa tabi nya. Habang nakapatong ang tray sa dalawang hita ko. Pumaupo naman sya sa kama at humarap sa akin.



"Ano ba yang niluto mo?" Tanong nya sickly.


"Sopas po Kuya and I am proud to say na masarap to." Kuda ko.


My Four Homophobic StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon