Paaakkk 07

39.4K 1.5K 146
                                    

• FITA'S POV •



*Dinner Time*



Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay gumorabells na ako sa chair sa tabi ni mudra at umupo ako doon.



"Nak ang baho mo na. Maghilod ka mamaya ah kapag naligo ka!" Kuda ni mudrabells!


Ay grabeee!
Nanay ko ba talaga to!
Lakas mang-bully eh!
At sa harap pa talaga ni Fafa Ark! Nakakahiya tuloy.
Pinagtatawanan nya ako!


"Tseee! Ewan ko sayo Nay! Kahit mabaho ako, maganda parin ako noh!" Ganti ko kay mudra!


"Oo nga. Maganda ka, manang mana ka sa Nanay mo." Nakangiting sabi ni Fafa Ark!


Anubahh!
Huwag kang ganyan Fafa Ark! Kinikilig ako! Ahaha!
Baka saniban ako ng espiritu ng kalandian, agawin pa kita kay mudra! Hahaha! Charoot!



Nakita ko namang nagsimula nang kumain ang apat na kumag na iyon at parang walang pake sa huntahan namin nila Fafa Ark.
What's new?
Wala naman talagang care ang apat na halimaw na yun.



"Wait! Huwag muna kayong kumain!" Pagpigil ko sa kanila.


Tumigil naman agad sila sa pagsubo habang masama ang tingin nila sa akin.


"Bakit? Ano ba yun?" Inis na tanong ni Kuya Axe.



"Hindi pa kasi tayo nagpi-pray. Dapat, magdasal muna bago kumain." Nakangiti kong tugon sa kaniya.


Sabay sabay nila akong pinaikutan ng mata at mukhang galit na naman silang apat sa akin. Anong bago?



"Hindi namin nakasanayang magdasal bago kumain, it's good to know that you have this good manner Fita." Natutuwang sabi ni Fafa Ark.



"Syempre po, dapat tayong magdasal at magpasalamat sa biyayang nasa hapag natin ngayon. Iyun po ang turo sa amin ni Tatay." Nakangiti ko namang sabi. "Diba Nay?" Pagbaling ko kay mudra.


"O-oo." Tipid na sagot ni mudra.


Goossh!
Mukhang pinalala ko na naman ata sa kaniya si Pudra. Bigla tuloy lumungkot yung mukha si mudra.




Sinimulan ko na ang pagpi-pray at walang nagawa ang apat na halimaw na iyun, nagdasal din sila kasabay ako.



Kahit likas at nasa dugo ko na ang pagiging maharot, pinalaki naman ako nina Pudra at Mudra ng maayos. Kaya hindi ko pa rin ngayon maitindihan kung bakit may gaya ng apat na halimaw na ito na galit na galit sa akin. Para akong apoy na nagpapakulo sa mga dugo nila! Mygad!





Pagkatapos kong magdasal, agad kong sinunggaban ang mga pagkain! Rwwwr!
Nagwawala na kase yung cobra sa tiyan ko! Gutom na gutom na din ata sila. Ahaha! Charrr.



Sunod sunod na subo ang ginawa ko. Graveee! Ang serep mga besssh! Kain din kayo! Ahaha.




"Hinay hinay lang Nak. Marami pang pagkain, hindi ka mauubusan." Saway ni mudra sa akin.



"Ang sarap kasi Nay! Ngayon lang ako nakatikim ng pang-mayamang pagkain, kaya hayaan nyo na ako." Kuda ko at nagpatuloy ako sa paglafang. Ahaha.



Patay gutom na kung patay gutom. Wala akong pake!
Ang cherep kaya.
Ang cherep kaya mga bessh.



"Kamusta kayo ng mga Kuya mo Fita? Nakilala nyo na ba ang isa't isa?" Tanong ni Fafa Ark.


My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now