Paaakkk 48

30.8K 1.1K 232
                                    

May mga bagay talaga na mas mabuting ngitian nalang, kesa iyakan.

-----



• FITA'S POV •




Nandito kami ngayon ni Ethan sa airport, at hinihintay namin ang pagdating ng babaeng ipapakasal sa kanya ng pudrakels nya!
Uso pa rin pala talaga ngayon ang arranged chu chu na kasal na yan!
Kaloka!




"Hello! Are you Ethan?" Biglang tanong ng isang boses. At yung tono ng boses nya! Parang anghel! Ganun!


Dahan dahan kong nilingon ang babaeng nagsalita. Hindi ako maaring magkamali, ang babaeng nagsalita na yun ay ang babaeng dapat papakasalan ni Ethan!



Pagtingin ko sa babaeng iyun, halos malaglag na yung panga ko sa sobrang gulat! Hindi ako nagulat dahil chaka ang fesss nya, nagulat ako dahil sobrang ganda nya!!!!


AS INNNN!
Ang ganda nya talaga!!!!
Parang kabilang sya sa mga Greek goddesses na nag-uumapaw ang kagandahan! Ganun!
Nanliit tuloy ako sa beauty nya!
Akala ko wala ng makakapantay sa kagandahan ko, nagkamali pala ako.
Wala pa ako sa kalingkingan ng kagandahan ng babaeng to.

Huhuhuhu.




"Yes. Ako nga. Are you Xylene?" Tanong ni Ethan sa babaeng ito na ubod ng ganda.



"Yup. The one only me." Nakangiti nyang sagot. Pisteeee! Nakakatomboy ang ganda nya. Rwwwwr.


So Xylene pala ang pangalan nyaaa!
Ngayon ko lang narinig ang ganyang name! Napaka-unique! Ang ganda.



"So? Who's that girl beside you?" Tanong ni Xylene Kay Ethan. Mukhang ako at ang tinutukoy nya.



"He's not a girl. He is Fita." Sagot ni Ethan.


"Fita? Nice name." Nakangiting sabi nya. "I thought he is. So? Is he a---"



"Gay. Right." Pagdugtong ni Ethan sa sasabihin ni Xylene.



"He's a very pretty gay." Nakangiting sabi ni Xylene.



"Yeh, indeed." Pagsang-ayon naman ni Ethan. "And he is my girlfriend. I can't say he's my boyfriend, mukha syang babae kaya mas okay kung girlfriend." Dagdag nya pa! Pashneya! Bakit sinabi nya agad! Walang preno!



Napatingin ako kay Xylene, at parang Hindi man lang syang nagulat sa sinabing iyon ni Ethan!




"So it means? You didn't like our arrange marriage?" Nakangiting tanong ni Xylene.



"Yeah. Kaya ngayon palang sinasabi ko na sayo. May ibang tao na akong mahal, isipin mo na ang gusto mong ispin sa relasyon namin ni Fita, I know he's gay but I love him. And beside, ayukong magpakasal sa taong ngayon ko lang nakilala at hindi ko mahal." Seryosong sagot ni Ethan.




"I see." Nakangiting sabi ni Xylene! Kalokang babaeng to! Wala syang ginawa kundi ngumiti. Hindi man lang syang na shock sa mga pinagsasabi ni Ethan.
"Hindi ko rin naman gusto ang kasal na'to. So I'm happy that we have the same feelings about it." Dagdag nya pa."



"Really? Hindi mo rin gusto to?" Gulat na tanong ni Ethan.



"Yes. Sinong tao naman ang papayag na diktahan sa kung sinong tao ang papakasalan nila. No one, because that's marriage, and I don't want to be confined for a long time with someone na hindi ko mahal." Sagot ni Xylene.



"So? Why are you here? Dapat hindi kana pumunta kung hindi mo naman pala gusto." Tanong ni Ethan.



"I want to talk to your father about this, and siguro I need some rest. Medyo na-istress kasi ako sa studies ko kaya I will take this moment as a vacation." Nakangiting sagot ni Xylene. "Would you mind na ihatid ako sa condo unit na tutuluyan ko. I don't have a car right now." Tanong pa nito.


My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now