Paaakkk 20

37.6K 1.6K 282
                                    


As of this moment, My Four Homophobic Stepbrothers has been ranked #03 in HUMOR Category!!!!

Mygaaaad! Pang third na tayo mga bessshh! Pang third! Nakakaloka!!!!!

👏👏👏🎉🎉🎉🎉🎉🎉👏👏👏

Salamat sa patuloy na pagsuporta at pagbabasa sa story kong ito. Stay Reading, Voting and Commenting mga besssh!

Thank you guys! Muaaah!!! 😘😘




---





• FITA'S POV •







Pag-uwi namin ni Kuya Air sa bahay. . . .




Agad akong umupo sa sofa sa may sala dahil sumakit ang flawless legs ko sa pagrampa namin ni Kuya Air sa Quiapo.



"Napagod ka?" Tanong ni Kuya Air.



"Medyo. Ang sakit ng binti ko." Sagot ko.



Nagulat ako nang biglang umupo si Kuya Air sa sahig at mabilis nyang hinawakan ang binti ko.



"Ganito yung ginagawa noon sa akin ni Mom kapag sumasakit ang binti ko." Kuda nya at dahan dahan nyang pinisil at minasahe ang binti ko!



Mygaaaad!
Ang charap!
Super sarap sa feeling mga bessh! Uggggh!
Sigeee pa Kuya Air!
Pisilin mo pa! Diinan mo pa!
Ang sarap!
Ahahaha.




"Aaahh!" Kuda ko! Goooshh! Napaungol tuloy ako sa sarap ng pagmamasahe nya. Ahahaha.




"It feels good right?" Nakangiti nyang sabe.



"O-opo Kuya." Naka smile ko namang sagot! Ahahaha.



Grabe na to mga bessshh!
Hindi ko alam kung totoo ba itong nangyayari o isa lang itong imagination.



Ang dating suplado, antipatiko, at galit na galit na si Kuya Air ay bigla nalang naging mabaet at maalagang nilalang!
Kaloka!
I can't believe this is happening na.



"Ehem! Ehem!" Rinig naming pag ubo ng isang boses na galing sa kung saan.



Kaya sabay kaming napalingon ni Kuya Air sa may hagdan at nakita namin na pababa doon si Kuya Ace.



Agad binitawan ni Kuya Air ang binti ko at mabilis syang tumayo.


"Sige Fita. Punta lang ako sa kwarto ko." Paalam ni Kuya Air at mabilis syang umakyat sa hagdan papunta sa kwarto nya.



Grrrrr!
Kaines na Kuya Ace na yan!
Panira ng moment!!!!
Bigla bigla nalang sisingit sa eksena!!!!
Kung kailan sarap na sarap na ako sa pangmamasahe ni Kuya Air eh. Tsaka sya susulpot! Urrr.



Naglakad palapit sa akin si Kuya Ace at umupo sya sa tabi ko sa sofa. Kaya naman inirapan ko sya ng buong husay dahil sa pagkaimbyerna ko.



"Oh? Anong nagawa ko? Bakit nang-iirap ka d'yan?" Tanong nya.



"Tseeee. Ewan ko sayo." Mataray kong sagot sa kaniya.



"Hahaha. Parang alam ko na. Nagagalit ka dahil natigil ang pagmamasahe ni Kuya sayo? Right? Bakit nasarapan ka ba?" Natatawang sabe nya. "Gusto mo ako nalang magmasahe sayo? Paniguradong mas masasarapan ka." Nakangisi nya pang tanong!!!!



"Tseeee. Hindi noh. At ayaw kong magpanasahe sa manyak na tulad mo!" Inis kong sagot at tatayo na sana ako sa sofa nang bigla akong hilahin ni Kuya Ace palapit sa kanya!!!!



My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now