Paaakkk 37

34.8K 1.5K 241
                                    

FITA'S POV







Juskooo!


Gulong gulo na ang isip ko ngayon! Hindi ko nga alam kung may isip pa ba ako dahil wala talagang tumatakbo sa utak ko!
Sabog at lutang na lutang ako!
Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko ngayon!




Napatingin ako kay Ethan, at sobrang himbing ng pagtulog nya. Wala syang kaalam alam sa ginawa nya sa akin! Pero wala akong galit na nararamdaman sa kanya, dahil naiintindihan ko sya. Lasing sya at wala sa sarili. Pero may ibang part sa akin na natutuwa dahil ang taong gusto ko ang s'yang unang taong na-kiss ko!!! Mygaaad!

First kiss ko yun mga besssh!!!!
And I accidentally received it from him!

Ang lambot at ang init ng labi ni Ethan! Kahit amoy alak sya, ang tamis pa din ng lips nya! Jusko!
Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari yun!!!!
I can't still believe it!!!



Pero, ang tanging gumugulo ngayon sa isip ko ay ang apat na halimaw na yun!
Nakita nila!
Nakita nila na magkalapat ang lips namin ni Ethan!
At ngayon, iniisip nila na pinagsasamantalahan ko ang kalasingan ni Ethan dahil alam nilang may gusto ako dito.
And the worst thing is! Bumalik na naman ang pagiging halimaw nila at mukhang Imbyerna mode na naman sila sa akin! Grrrr.

Hindi man lang nila pinakinggan ang paliwanag ko! Nag conclude agad sila na hinalikan ko si Ethan! Mga halimaw talaga! Grrrrr.



Pero gossssh!
Paano kung sabihin nila yun kay mudra at Fafa Ark! Juskooo!
Baka talakan ako ni mudra ng bonggang bongga!!!!
Nooo! Hindi pwede! Kilala ko si mudra, at baka mas paniwalaan pa nun ang apat na kumag na yun kesa sa akin!
I need to do something!
Kailangan kong i-explain sa apat na halimaw na yun ang totoong nangyari!!!! Ayukong ma-award kay mudra. Baka hindi na nun ako palapitin kay Ethan. At hindi ko yun papayagang mangyari dahil ako lang, ako lang ang matatakbuhan ni Ethan dahil problemado sya ngayon at ayuko syang iiwan sa ere ng mag-isa!
Ganun!







Mabilis akong rumampa papunta sa mga kwarto ng apat na halimaw na yun! I'm sure, gising pa sila! I need to explain to them everything!




Una kong pinuntahan ang kwarto ni Kuya Axe.



"Kuya! Ako to si Fita. Buksan mo ang pinto! Please!" Kuda ko habang kumakatok ako sa pinto nya.



Ilang saglit pa, may narinig akong yabag ng paa palapit sa pinto.



"Alis!" Matigas na sabi ni Kuya Axe pagkabukas nya ng pinto.


"Kuya! Please! Mali kayo ng iniisip!"


"Shut up! Ang ingay mo! I don't wanna here your fvcking explanation!" Galit nyang sabi at mabilis nyang sinara ang pinto.

EDI 'WAG!!!!
Halimaw ka talagang Axe ka!
Dapat sayo pinapalakol!
Grrrr!



Sunod kong pinuntahan ang kwarto ni Kuya Ash. Kumatok ako ulit, pero hindi nya ako pinagbuksan. Mukhang tulog na ata sya. Ang bilis naman?!


Kaya lumipat naman ako sa kwarto ni Kuya Air. Para sa akin, sya ang pinaka mabait sa apat na halimaw kaya alam kong papakinggan nya ang paliwanag ko! Sana lang.



"Ku-kuya! Ako to si Fita. Buksan mo naman po ang pinto. Please." Sabi ko pagkatapos kong kumatok.



Pero lumawit na yung dila ko at sumakit na ang kamay ko sa paulut ulit kong pagsasalita at pagkatok pero wala pa rin ni isang sagot akong narinig sa kanya.
Gosssh! Tulog na rin ba sya?
Napaka bilis naman ata???




My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now