Paaakkk 58

30.8K 1.1K 396
                                    

----


• FITA'S POV •





Nandito kami ngayon sa isang napagandang waterfalls! Bongga!
Excited na tuloy akong lumangoy! Megeed! Ahahaha.

Kung tinatanong nyo kung bakit kami nandito, kasi nga birthday ngayon ni Kuya Air. He decided to celebrate his birthday kaya itong si Ethan nag-suggest na dito nalang daw namin i-celebrate dahil maganda daw dito.
And as I noticed maganda nga dito mga besssh! Yung feeling ng mapapanga-nga ka nalang! Sa sobrang ganda! Ganern!


"Xylene is coming." Biglang sabi ni Kuya Axe!

Huwaaaattt?!
Ang babaeng yon?
Eepal na naman! Grrrrr.


"Bakit daw sya pupunta dito?!" Tanong ko.


"Gusto nya din daw maki-celebrate sa birthday ni Air." Sagot ni Kuya Ash.

Nakuuurrr!
Celebrate celebrate! Utut nya!
Rwwwwrrr.


"Come on, let's arrange our things para makakain na tayo." Kuda ni Ethan at nagsimula na nga kaming mag-ayos ng mga gamit namin.

Parang picnic ang naganap.
Naglatag kami ng malaking blanket sa damuhan at isa-isa naming nilagay duon ang mga pagkain na nasa basket na luto ni Aling Greta.


"I'm starving let's eat." Sabe ni Kuya Ace. Mabilis syang naupo at isa-isa nyang binuksan ang mga tupperware.

"Wait lang! Kantahan muna natin si Kuya ng happy birthday song." Pagpigil ko sa kanya.


"Hehe. No need Fita. Kumain nalang tayo. Kinantahan mo na ako kanina diba?" Nakangiting sabi ni Kuya Air at naupo na rin sya sa tabi ni Kuya Ace.


"Ganun. Si-sige na nga." Ang nasabi ko nalang.


"Hindi ba natin hihintayin si Xylene?" Tanong ni Ethan.


"Nasa byahe pa yun. Nagugutom na ako. So I'll eat now." Sabe ni Kuya Ace at nag-umpisa na syang kumain.



Kaya nagsimula na rin kaming kumain. Mabuti nalang nasarapan sila sa chocolate cake na ginawa namin ni Aling Greta! Naubos nila lahat! Kaloka! Hindi man lang nila ako tinirhan!

Pagkatapos naming kumain. . .
It's SWIMMING TIME NA!

Kaya nagbihis agad ako ng swimwear ko! Sa loob ako ng kotse nagpalit ng damit. Two piece kung two piece! Ganern! Ahahaha! Charoot! Tanktop partnered with floral short lang ang suot ko.



Paglabas ko sa kotse. . .




Mygaaad!
Nasa bakery na naman ba ako?!
Gosssh! Bakit ang daming pandesal!
Juskoooo. Mga naka brief lang silang lima mga besssh! I can't breath!

Naglakad na ako palapit sa kanila.
Tapos sabay sabay silang napalingon sa akin. Tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa! Ganooon!



"Woah. Ang sexy mo talaga Fit." Nakangiting sabi ni Kuya Ace sabay kindat sa akin. Megeed.

"Come on, let's swim." Pag-aya ni Kuya Ash.


"Ah. Si-sige. Mauna na kayo." Sagot ko.


"Tara na. Sumabay kana sa amin." Sabi naman ni Kuya Air.


"Ahaha. Mamaya nalang ng konti. Mauna na kayo." Sagot ko ulit. Juskooo. Hindi ako makatingin sa kanila ng diretso! Bakit ba kasi mga naka brief lang sila!



"Tara na! Huwag ka ng maarte dyan." Rinig kong sabi ni Kuya Axe at nagulat ako nang bigla nya akong buhatin! Juskoo!


"Kuya! Ibaba mo nga ako!" Kuda ko.


My Four Homophobic StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon