Paaakkk 22

35.6K 1.4K 196
                                    

Enjoy Reading mga Besssh! 😊

-----






• FITA'S POV •





Nawalan na ako ng gana para kainin ang mga niluto namin ni Manang para sa party ko.


Hindi pa rin ako makapag move-on sa lahat ng nangyari.


Ang sakit sakit pa din mga bessh!
Yung akala mong okay na, hindi pa pala!
Grrrrrr.



Nandito ako ngayon sa kawalan, I'm walking all by myself habang nag-eemote ako.

Naisip kong maglakad lakad dito sa subdivision na ito. Ang ganda at ang lawak din kasi dito kaya I decided to walk nalang para mapag-isa.




"Beeeep! Beeeep! Beeeep!" Malakas na pagbusina sa akin ng isang sasakyan!


Mygaaaad!
Halos mag-jumping rope yung puso ko sa sobrang gulat!
Boooset!
Humanda sa akin ang driver ng kotseng yun!
Grrrrr.


Nilapitan ko yung kotse.
Mukha itong pamilyar, pero wala akong pake! Ginulat nya ang beauty ko! Kaya humanda sya sa akin!


"Hoy! Hindi naman ako nakaharang sa kalsada! Kung makabusina ka naman parang wala ng bukas!" Imbyernang kuda ko habang nasa tapat ako ng bintana ng kotse.



Unti-unting bumababa yung bintana ng sasakyan, at bigla ko nalang nasilayan ang isang gwapong nilalang! Megeed!



"Hehe! Sorry. I just wanna get your attention." Nakangiting sagot ni Ethan!



Josko!
Ang gwapooooo!
Humihina na naman yung kapit nung panty liner ko! Mygad.
Ahahaha.


Parang biglang nabuhayan ako ng dugo nang makita ko si Ethan!
Na miss ko sya agad!
Pa-kagat naman po
Ahahaha.


"Ikaw lang pala yan. Akala ko kung sino na." Sagot ko naman in sweet way! Ganun.


Bumaba si Ethan mula sa sasakyan nya at nilapitan nya ako.


"Bakit parang wala ka na naman sa sarili mo?" Tanong nya.


"Ha? Hindi no. Naglalakad-lakad lang kaya ako." Sagot ko naman.


"Mukhang malalim ang iniisip mo eh." Kuda nya naman. "May nangyari ba?" Tanong na pa.


"Ahm. Ano--kasi---" Putol na sabi ko.


"Yung mga Kuya mo? May ginawa na naman sila sayo? Right?" Sabi nya. Tumango lamang ako bilang tugon.


"Ano? Ano na naman ang ginawa nila sayo? Did they hurt you?" Sunod sunod nyang tanong.


"They didn't hurt me physically, but they hurt me emotionally." Sagot ko. Paaak! English yun wah. Ahahaha.


"How? Ano bang gimawa nila?" Tanong nya.



"Kasi, nitong nakaraang araw, ramdam ko na bumabait na sila sa akin. Ngini-ngitian pa nga nila ako eh. Pero kani-kanina lang, bigla nalang ulit silang naging halimaw. Kaya nakakalungkot, na akala ko okay na ako sa kanila, hindi pa pala." Madramang sagot ko kay Ethan.


Tapos bigla nya nalang akong inakbayan!!!!


Mygaaad!
May dumaloy na namang kuryente ng Meralco sa sistema kp! Ahaha.


"Huwag mo nalang silang intindihin. Mukha kasing wala ng pag-asa pang bumait ang apat na yun sayo. Don't be sad, nandito naman ako, pwede mo naman akong ituring na parang Kuya mo." Nakangiti nyang sabeee! Habang titig na titig sya sa mata ko!!!


My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now